PROLOGUE
CHARISSE
NAGULANTANG ako sa biglang pagbukas ng aking opisina. Kunot ang noo ko, ng tumambad sa akin anyo ng lalaking ito.
Nakasunod naman si Mureen ang aking sekretarya.
"Ma'am, pasensiya na po. Hindi ko po na pigilin nagpupumilit na pumasok dito sa loob. Sir, lumabas na po tayo sir, bawal po kayo rito," aniya nito sa lalaki.
Ngunit itinaasan ko ang aking upang iparating sa aking sekretarya na okay lang.
Kita ko ang matinding pagod ng kanyang anyo. Lumalim ang talukap ng kanyang mga mata. Maging ang balbas at bigote niya ang mahahaba na rin. Tila ito isang ermetanyo sa kanyang hitsura dahil sa haba ng kanyang buhok. Isang taon na ang lumipas ng huli kaming nagkita. Ngunit ang laki ng ipinagbago ng kanyang pangangatawan. Ang dating matipunong katawan ngayon ay patpatin na.
Diretso ang mga matang itong nakatingin sa akin habang papalapit sa lamesa kung saan ako naroroon. Wala pa rin pinagbago ang malamig niyang mga titig sa akin.
"What's bring you here, Mr. Guerrero?" matamis akong ngumiti sa kanya upang itago ang nararamdaman kong inis sa kanya. Hindi ko makakalimutan kung paano niya ako pandirihan noon.
"Buy me, worth five million. Maging sa iyo ako kapalit ng limang milyon," direkta nitong sabi habang seryoso itong nakatingin sa akin. Napahalgapak ako ng tawa sa aking narinig.
"Ganyan ka na ba ka desperado Mr. Guerrero? And do you think you worth more than a million?" nang-uuyam kong tugon sa kanya. Tumayo ako sa mula sa pagkakaupo ng aking swivel chair. Naglalakad ako papalapit sa kanya. Pinaglandas ko ang aking dalawang daliri sa kanyang balikat pababa sa kanyang matitipunong dibdib.
"Nasaan na ang pinagyayabang ninyong kayamanan Mr. Guerrero? Paano na lang kung malalaman ng iba na ang dating mapagmataas at tinitangalang lalaki noon ay desperadong ibenebenta ang sarili ngayon?" dugtong ko pa rito. Sinundan ko pa ng mahinang pagtawa para upang mas lalo ko pang-ipakita kong gaano siya kaliit ngayon sa aking paningin.
"Charisse, look, I'm sorry sa lahat ng naging kasalanan namin sa iyo. Handa kong gawin lahat ng gusto mo, Buhay ng asawa ko ang pinag-uusapan natin dito," muling sabi nito. Kung dati ay isa siyang mabangis na tigre sa aking paningin ngayon ay hindi ko na nakikitaan ng kahit na kunting tapang ang kanyang anyo. Tila isa itong maamong tupa na nakatayo sa aking harapan.
"Sa tingin mo ba may pakialam ako sa buhay ng asawa mo? Wala akong pakialam sa kanya. Simula ng pinagkaisahan ninyo akong dalawa!" galit kung saad sa kanya habang kuyom ang aking kamao. Pinipilit kong kumalma, ayaw kong ipakita sa kanya na hanggang ngayon apektado pa rin ako sa mga nangyari dati.