Chapter 8

2350 Words

Chapter 8     ABALA si Michael at Stephanie sa pag-aalaga sa aming dalawa ni Victor. Hindi ko pa masabi ang sanhi ang pagkakaroon namin ng mataas na lagnat ni Victor pero isa lang ang alam ko—naakapekto rito ang malaking mga sugat namin na natamo namin sa dagat sa unang subok namin. Balot na balot ako ng kumot at nilagyan din ako ni Michael ng basang punit na tela sa aking noo. “Hey, matulog ka na muna.” Mahina’t nanghihinang pagkakasabi ko kay Michael na narito rin sa loob ng kwarto ko. Nakaupo sa tagilaran, nakasandal sa pader na humaharang sa kabilang kwarto niya. “Hindi ako inaantok, hayaan mo pong bantayan kita.” “Magiging okay rin ako bukas—ipagpapahinga ko lang ang katawan ko. Pagod lang siguro ‘to. Kaya ikaw, magpahinga ka na lang din at isa pa, baka mahawa ka pa sa akin.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD