MATALIM na titig lamang ang nagawang ipukol ni Lucas sa gawi ni Maia at nang manliligaw nitong mas maputla pa kaysa kanya. Hindi niya makuha, bakit kailangan pa ipakita iyon sa kanya? Was that their way of saying he's the bitter one there? Kanina pa tuloy siya walang gana na magtrabaho at panay lang buska sa dalawa sa kanyang isipan. Alam naman niya kasing hindi sila magtatagal na dalawa. He knew Maia. Gagawin lang din nito sa Paul na 'yon ang ginawa sa kanya noon. She'll leave him devastated and bitter just like him. "Stop staring at them, Lucas." Sita ng tinig na nagmula sa kanyang gilid. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ni Philip. "I'm not staring. Wala naman akong pakialam sa kanila," "I thought you hated her? Why does I sensed something different lately? You care