9 Nagulat pa si Brittany nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal niyon si Hayden, bitbit ang isang toy car. Saglit na natigilan ang bata sa nakikitang mga kamay nilang magkahawak kaya nabawi niya ang kamay ng wala sa oras. At sa gulat niya ay nagtatalon ang bata sa tuwa pagkasara ng pinto. "Tito Nate! Tito Nate is courting my Mommy!" talon ito nang talon at hindi matigil sa kasisigaw ang bata. Napaawang ang labi niya dahil hindi niya alam kung paano niya sasawayin ang sariling anak dahil sa pag-aakala niyon na nililigawan sya ni Nate porke lang magkahawak ang mga palad nila kanina. Malamang kasi sanay ang bata na kapag may pumupunta sa station at nakikipagkilala sa kanya at nakamayan niya ay kung pwede bang manligaw ang kasunod na lumalabas sa bibig ng mga lalaki na iyon. Sigu