INTRODUCTION
Mangiyak-ngiyak si Brittany habang hinahanap ang six-years-old na lalakeng anak. Sa dami ng tao ay di niya alam kung paano at saan napasuot si Hayden. Kung bakit naman kasi pinilit-pilit pa sya ng kumare niyang si Luna na manood ng pesteng concert ng sikat na boy band na, The Heartthrobs?
Ngayon tuloy mawawalan sya ng anak pero kagustuhan din naman kasi iyon ng anak niya, at yun ang hiningi na pabirthday sa ninang niyon na si Luna. Paborito ng bata ang banda at lahat ng kanta ay kinakabisa kahit na anim na taon pa lang, at totoong maganda ang boses ng anak niya. Di nya mawari kung kanino nagmana kasi boses palakang bukid naman sya. Malamang ay namana ng anak niya ang ganda ng boses sa ama nun na hindi niya kilala. Baka lang kasi wala naman sa lahi niya ang kumakanta.
Isa pa, napakagwapo ng anak niya at kakikitaan ng parang bahid ng ibang nationality ang hitsura. Magaganda ang hazel brown na mata ng bata ang tangkad ay hindi para sa normal na anim na taong gulang. Malaking bata iyon at aakalain ay grade three na kahit naman grade one pa lang. He has this natural brown hair and dark brown brows. Alam niya na may lahi ang lalake na naka one night stand niya pero di niya alam kung sino at kahit na anong gawin ay hindi niya maalala.
Pero ngayon baka mawala ang kaisa isang kayamanan niya sa buhay, si Hayden Ace.
Nagkagulo kasi nang bumaba sa entablado ang ubod ng gwapong bokalista nang tapos na ang concert, nakabitaw tuloy ang anak niya sa kanya dahil nag-uunahan ang mga kababaihan na mahawakan ang sikat na international singer, kaya ngayon ay para na syang sintu-sinto sa kasisigaw at sa paghahanap sa kaisa-isa niyang anak.
Nakailang balik na sya sa loob pero wala ni anino ng anak niya. Pati mga gwardiya ay naghahanap na rin pero wala pa syang balita.
Nanghihinang napaupo si Brittany sa isang dambuhalang bato sa landscaped area, sa harap ng coliseum.
"Ano na?!" umiiyak na tanong kaagad niya sa kaibigan nang makita na palapit na ang kumare pero mag-isa pa rin ito. Wala itong kasamang Hayden Ace.
Hindi sya ang babae na basta-basta umiiyak pero anak niya ang pinag-uusapan kaya walang dahilan para hindi sya umiyak.
"Wala eh. Di ko alam kung nasaan," humihingal na sabi ni Luna sa kanya.
Lalo syang nanghina at natutop ang sariling noo. Mamamatay sya kapag nawala si Hayden sa kanya. Hindi niya makakaya na mawala iyon sa kanya.
---
"Congrats!" sigaw ng manager kay Nate habang naglalakad sya papasok sa dressing room sa basement ng coliseum.
Ang laki ng ngiti niya at di nya akalain na tutumbasan ng mga Pinoy ang concert nila sa iba't ibang panig ng mundo. Grabe ang tilian kanina at sigawan sa higit dalawang oras na concert nila. Sulit ang pagod at makakapagpabakasyon na rin sya sa wakas, kasama ang pamilya niya. Miss na miss na niya ang mga parents niya at mga pinsan pero ngayon babawi sya. Kung makauwi man kasi siya ay para lamang siyang sumilip. Daig pa niya ang may taning ang buhay kapag umaapak siya sa Pilipinas.
Ang deal kasi nila ng manager ay kapag umabot sa two hundred million ang kita, magbabakasyon sya sa Pilipinas ng isang bwan. Eh umabot ng three hundred plus million. Yari na ang bakasyon niya.
Nakangiti sya habang naglalakad at papasok na sya sa dressing room nang mahagip ng mga mata niya ang isang batang nakatago sa may gilid ng pader at umiiyak. Nakalabas ang kalahating parte ng mukha niyon at dahil medyo malamlam ang ilaw ay di nya gaanong mamukhaan.
Sa halip na pumasok sya sa kwarto ay dumiretso sya ng lakad para tingnan ang bata. Restricted ang area na yun kaya paanong nakapasok doon ang bata? Baka kanina habang nagkakagulo ay nawala ito at dito napunta.
Hinanap niya ang switch ng ilaw at nang makita niya sa gilid ng pader ay pinindot niya iyon.
Nate looked around to find the kid because he’s gone.
“Hey, show yourself baby. Don't be afraid,” he talked.
Muli niyang iginala ang mga mat sa kabuuan ng luhar at nakahahip ng mga mata niya ang kabiyak na parte ng mukha ng bata, na nakatago.
Nate smiled, “Come on.”
Finally, unti-unti iyon na lumabas sa pinagkukublihan at literal siyang muntik na matumba sa kinatatayuan niya.
Tumambad sa mga mata niya ang mukha ng bata. Nakatingin ito na nakuhang takot.
Holy cow! Parang Keiyeon Natherson na lumiit ang bata na nasa harap niya. Bakit kamukhang - kamukha niya ang ito? Syang sya ang hitsura nito noong preschool age niya.
Napatda sya sa kinatatayuan at di sya kaagad nakakilos. He even swallowed in disbelief. Totoo ba ang paglilihi? Ipinaglihi ba ito ng ina nito sa kanya? Kasi para silang biniyak na inidoro ng batang nasa harap niya ngayon. Alam niya na sya ang nagmamay-ari ng mukhang ito noon. Bakit may iba pa palang tao na may kagaya ng mukha niya? Pihadong paglaki nito ay wala rin na pagkakaiba sa kanya.
Napakurap sya nang masaulian. He walked closely towards the little boy. Lumuhod sya sa isang tuhod sa harap ng bata. Nakadamit ito ng stripes na blue and white, at may suot na jacket.
He smiled.
"Why are you crying?" tanong niya. Nakalimutan niya na bata nga pala at Pilipino ang kausap niya. Baka di sya maintindihan pero uulitin niya sana ang tanong sa wikang Tagalog nang sumagot ito pagkatapos sumigok.
"I'm lost. Can you please send me to my Mom please, Tito Nate?" pakiusap nito at pati boses ay mamaos maos din.
Coincidence ba yun na pati boses ay gaya sa kanya o malat lang dahil sa pag-iyak?
What the f**k?! I'm going crazy!
At Tito Nate raw? Kilala sya ng bata. Idol yata talaga sya nito.
Lost? Yeah! Parang uminit ang ulo niya sa katangahan ng ina nito na nawala ang bata sa kalagitnaan ng concert. Sira ulo lang. Paano kung wala na ang ina nito? Hindi niya pwedeng pabayaan ang batang ito na umiiyak ngayon. Kawawa naman.
"Okay then. Stop crying. Naiintindihan mo ba ako?" malambing na tanong nya rito saka pinunas ang luha sa pisngi.
It's strange, pero magaan ang loob niya sa batang ang laki laki, na halos umabot na sa may baywang niya samantalang matangkad sya.
Tumango ang bata at bahagyang lumabi.
Oh s**t! Siyang sya talaga ang mukha pati mga gestures nito. Ano ba?
Napatayo sya ng wala sa oras at nasapo ng dalawang kamay ang sariling ulo. Masisiraan na sya ng bait. May reincarnation na ba sya kaagad sa katauhan ng isang bata na sya rin mismo ang mukha? Bwisit!
Hinawakan niya ang kamay ng bata at tinanguan ito. That's the time na ngumiti ito nang malaki at napatigil na naman sya sa paghakbang nang makita ang ngiti na walang wala ring pagkakaiba sa kanya.
"I like your Gatsby cap. Can you give it to me as my birthday present? Today's my birthday," anito na nakatingala sa suot niyang cap.
Napataas pa ang kilay niya. Pati sombrero niya ay alam kursunada nito.
"You like this?" ngumiti sya nang hawakan niya ang suot na sombrero.
Mabilis na tumango ang bata kaya hinubad niya iyon nang walang pag-aalinlangan.
"Well, happy birthday. What's your name, baby?" yumukod sya para isuot iyon sa bata.
"Hayden Ace Samonte," anito at kinapa ang sombrero, "Thank you." the little boy said politely.
Napangiti siya ulit. Halatang pinalalaki ito nang maayos kahit tatanga-tanga ang ina.
Kinarga na niya ito para mailabas nang mabilis. Baka kasi umalis ang kasama ng bata, saan niya ito ihahatid?
"I like you," anito sa kanya na parang komportable na.
Taka pa sya kung bakit Inglisero ito pero kita naman sa hitsura na hindi purong Pilipino si Hayden Ace. May lahi malamang ang ama o ang ina nito. Sino ba ang ina?
Nagdududa kasi sya. Baka mamaya ay nakabuntis na pala sya nang walang nalalaman. Marami rin syang naging babae at may isang beses na kamuntik na syang mapikot ng naka one night stand niya, yun pala ay iba naman ang ama. Kapag virgin kasi wala syang proteksyon pero kapag hindi na... Oh no! Condom sya!
Buti na lang at high tech na ngayon kaya naipag-paternity test niya kaagad kahit nasa tyan pa lang ang bata, kaya nalaman niya na hindi sya ang ama. Pagkapagamit pala sa ibang lalaki, siya ang sumunod.
He was so traumatized after finding the truth. Hindi naman niya tatanggihan ang bata kung sakali kahit hindi pa siya handa pero hindi talaga sa kanya iyon. And his manager demanded for the paternity testing. Protektado siya ng ng manager nila at hindi siya ang nakikipagtransaksyon. Ganoon talaga dahil may inaalagaan siyang career.
He flew back to UK and stayed there.
"Hey dude! Where are you going?" tanong ng kabanda niyang si Zack sa kanya nang makasalubong niya iyon.
"Just going to find the lost mother of this kid," ni walang lingon na sabi niya sa kasamahan.
Atat pa naman syang umuwi na sa mansion tapos eto may obligasyon pa sya dahil sa katangahan ng ina ng batang karga niya.
Baka mapagsalitaan pa niya iyon kapag nakita niya ang tanga na babaeng yun. Pabaya sa anak.
Nasa may bukana sya ng grand entrance habang karga ang bata nang sumigaw bigla si Hayden Ace.
"Mommy!" namiyok pa ito dahil malat ang boses kaya natigilan siya.
Kaagad na napatingin sya sa dalawang babae na nakaupo sa malaking bato. Kaagad na napalingon ang mga yun at parehas na napangiti at napatalon sa tuwa.
Tumakbo kaagad ang isa sa mga yun papalapit at walang babalang kinuha ang bata sa kanya habang ang isa ay parang nahipnotismo pagkakita sa kanya, at kaagad na hinugot ang camera, sabay kuha na nang kuha ng litrato sa kanya.
Nangunot ang noo niya dahil parang pamilyar ang mukha ng babaeng kumarga sa bata. Di nya lang maalala kung saan niya nakita pero nakita na niya ang magandang mukha na ito. Somewhere... Ah s**t! Think Nate! Think.
"Have we met?" Kunot noong niya kaya tumingin sa kanya ang luhaang mukha ng babae.
There are her beautiful eyes and sultry lips. She has this small face, na bagay sa tangkad lang nito. Sa tantya niya ang 5'3 lang ang babae.
Umiling ito sa kanya at tipid na ngumiti, kimi.
"Thank you, Mister," malambing na sabi nito sa kanya kaya napatda sya.
Hindi pa pala sila nagkakakilala. Sayang. Maganda pa naman kaya lang may asawa na.
Biglang naisip niya itong sungitan na lang.
"Misis, sa susunod wag kang tatanga-tanga. Mawawalan ka ng anak," masungit na saad niya sa babae na kaagad napalis ang ngiti at parang napikon sa sinabi niya.
Tumaas ang mga kilay nito at pinandilatan sya. The f**k! Palaban!
"Hoy mister! Hindi porket sikat at bokalista ka ng banda mo eh pwede mo akong pagsalitaan ng ganyan! Ang kapal nito. Kung hindi ka bumaba dun sa stage mo, eh di sana hindi nagkagulo di ko sana nabitiwan ang anak ko dahil sa mga fans mong walang pakialam kung nakakaapak na ng tao! Aba, muntikan pang mahkaro'n ng stampede kanina ah kung di nakabitaw ang anak ko sa akin baka luray-luray na ito ngayon! Yabang nito! Salamat na lang!" mataray na sagot nito sa kanya sabay talikod at parang di man lang indahin ang kabigatan at kalakihan ng batang karga-karga, samantalang naiwan na syang hindi nakasagot man lang.
"Bye, Tito Nate!" anang bata sa kanya na kumaway pa.
"Wag mong ba-bye-an yan! Masama ugali niyan!" sita ng babae sa bata pero hindi naman sumunod sa sinabi ng ina.
Ngumiti pa rin iyon sa kanya at kumaway.
He smiled back pero lumilipad ang utak niya. Nakita na niya ang babaeng yun, di nya lang tiyak kung saan at kung kailan.
Pumameywang sya at nag-isip... From which certain part of the world did I hell happen to see you, woman?