Naramdaman ko ang paglagapak ko sa tubig at pagsabog nito ng malakas paitaas. Bumulusok sa pinakailalim na parte. Sobrang panghihina ang nararamdaman ng aking katawan at pagkawasak ng aking puso. Gusto ko na lang hayaan ang sarili kong malibing sa ilalim ng tubig na ito. Ano pang halaga ang pag-ahon ko dito kung wala na rin naman akong dadatnan sa itaas? Madilim na ang aking mundo, umahon man ako sa liwanag. Malapit na akong maubusan ng hangin at unti-unti na ring lumiliit ang sinag ng buwan na aking natatanglawan. Ipinikit ko na ang aking mga mata ngunit hindi pa ito tuluyang nagsasara nang biglang lumakas ang liwanag na nagmumula sa buwan. Bilog na bilog ito at buhay na buhay. "Avriaaah..." Muli kong naidilat ang aking mga mata at pinagmasdan ang buwan. "Avriaaah...halikaa..." N