THIRD PERSON POV
Nagmamadaling isinuot nina Sandra Ysabelle at Jacob ang mga damit nilang nagkalat sa sahig. Sigurado silang si Raul ang tumatawag kay Jacob mula sa labas ng guard house. Saktong pagdating ni Raul sa loob ng guard house ay nakabihis na ang dalawa. Pero hindi maikakaila kay Raul kung ano ang ginawa ng dalawa sa loob ng guard house.
Kitang-kita ni Raul ang mga bakas ng laway sa pagitan ng malalaking pakwan ni Sandra Ysabelle. Kahit pa nakatali na ang silk bathrobe ng ginang ay sumisilip pa rin ang pisngi ng pagitan ng dalawang pakwan nito. Sadyang makinis at maputi ang ginang. Kahit sinong lalaki ay matatakam dito.
Halatang-halata na kakaayos lang ng buhok ng among babae. Naka-plaster pa ang ilang hibla ng buhok nito sa namamawis na sentido. Naghahabol din ito ng paghinga at mukhang namamaga ang mga labi.
Kung titingnan naman ang security guard na si Jacob ay mahahalata ang sunud-sunod nitong paghugot ng malalim na paghinga. Pinagpapawisan din ito. Hindi rin ito makatingin ng diretso kay Raul.
Ysabelle: Oh, Raul. Bakit gising ka pa?
Nahahalata ni Raul na pinipilit maging kalmado ni Sandra Ysabelle.
Raul: Ah, hindi kasi ako makatulog, Donya Ysabelle. Kaya naisipan kong puntahan si Jacob dito. Kaso may kasama po pala siya.
May halong malisya sa tinig ni Raul kaya napataas ang kilay ni Ysabelle. Hindi rin nito gusto ang paraan ng pagkakatitig ni Raul sa kanila ni Jacob.
Taas-noong muling nagsalita ang ginang.
Ysabelle: May itinanong lang ako kay Jacob. At may karapatan akong pumunta sa kahit saang parte ng property na ito rahil ako ang nagmamay-ari nito.
Napangisi si Raul.
Raul: Wala naman po akong sinasabing hindi kayo pwedeng gumala-gala rito, Donya Ysabelle. Tama po ba?
Nakakalokong ngumiti si Raul na halos magpasabog ng pagtitimpi ni Ysabelle. Taas-noo itong naglakad palabas ng guard house habang nakatingin ng masama kay Raul. Nang nasa labas na ng guard house si Ysabelle ay lumingon ito kay Raul.
Ysabelle: Hindi ko gusto ang paraan mo ng pakikipag-usap sa akin. Malalaman ito ni Emilio.
Iyon lang at tumalikod na si Sandra Ysabelle at taas-noong naglakad pabalik ng malaking bahay.
Nakangising nilingon ni Raul ang security guard na si Jacob. Hindi pa rin ito makatingin ng diretso sa kanya. Medyo naiilang.
Tumikhim si Raul.
Raul: So, pare, may ikukwento ka ba sa akin?
Naging malikot ang mga mata ni Jacob.
Jacob: A-anong ikukwento? Wa-wala namang dapat i-ikwento.
Nakakalokong sumipol-sipol si Raul. Pagkatapos ay nilapitan si Jacob at inakbayan.
Raul: Sige na, pare. Wala namang ibang makakaalam. Halatang-halata naman, eh. Tingnan mo nga 'yan at nagkalat ang mga gamit sa sahig. Parang basta na lang inihulog mula sa mesa.
Inginuso ni Raul ang mga gamit na tumilapon sa sahig mula sa mesa. Pulang-pula ang mukha ni Jacob nang makita ang mga nagkalat na gamit at dali-daling pinulot isa-isa ang mga ito at ibinalik sa pagkakapatong sa mesa. Natatawa si Raul sa pagkataranta ni Jacob.
Raul: Relax ka lang, pare. Hindi mo kailangang mataranta. Tayong dalawa lang naman dito, eh. At saka hindi ako magsusumbong kay Don Emilio kung 'yon ang inaalala mo. Basta ba may utang ka na sa akin.
Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Raul habang nakangiti kay Jacob. Binuksan naman ni Jacob ang isang butones ng uniporme rahil parang kakapusin ito sa paghinga. Natataranta ito. Hindi pa rin makatingin ng diretso kay Raul.
Jacob: A-ano bang pinagsasabi mo, pare? Ma-may itinanong lang si Donya Ysabelle sa akin. 'Yon lang. May asawa na ako. Sa ti-tingin mo ba pa-papatusin ko pa 'yon?
Lumabi si Raul at nagkibit-balikat.
Raul: Okay, sabi mo, eh.
Patamad na sumaludo si Raul kay Jacob bago lumabas ng guard house na pasipol-sipol pa. Saktong paglabas niya ng guard house ay may bumusina sa labas ng gate. Nakita niyang nagmamadaling lumabas ng guard house si Jacob para buksan ang gate. Si Adriana pala ang dumating galing sa date nito.
Pagkapasok ng gate ni Adriana ay nagpasalamat ito kay Jacob at biglang nawala ang ngiti sa mga labi nang makita si Raul. Nakangisi naman si Raul nang pasadahan ng tingin ang suot ni Adriana. Isang Vintage tight-fitting strapless dress na lalong nagpaangat ng hubog ng katawan nito.
Raul: Enjoy na enjoy siguro 'yong ka-date mo. Ang sexy ng kasama niya, eh.
Napatigil si Adriana sa paglalakad papuntang malaking bahay nang marinig ang sinabi ni Raul. Nilingon siya nito at kitang-kita sa mukha ni Adriana ang labis na pagtitimpi na huwag magalit. Nakataas ang kilay na kinausap si Raul.
Adriana: Excuse me?
Tumawa ng malakas si Raul at yumuyugyog pa ang mga balikat habang tumatawa.
Raul: Si Ma'am Adriana talaga, oh. Nag-e-excuse me pa, eh, ang lawak-lawak ng daan.
Umiiling pa si Raul habang tumatawa.
Humugot ng malalim na paghinga si Adriana. Halatang pinapakalma ang sarili. Inihanda na ni Raul ang sarili sa maaaring gamit na lumipad sa kanyang pagmumukha.
Adriana: You, newly-hired driver, have no right to talk to me that way. Hindi tayo close.
Nagtatagis ang mga ngipin ni Adriana habang nagsasalita. Si Raul naman ay itinikom ang bibig, pero halatang nagpipigil tumawa.
Pagkatapos magsalita ay tumalikod na si Adriana at itinuloy ang paglalakad patungo sa malaking bahay.
Raul: Good night.
Nakita ni Raul na tumigil ang babae sa paglalakad at mabagal na nagtaas-baba ang mga balikat nito na parang humuhugot ng malalim na paghinga. Ilang sandali pa ay tumuloy na ito sa paglalakad nang hindi siya nililingon.
Si Raul naman ay hinagod muli ang kabuuan ni Adriana. Napabulong pa ito.
Raul: Ang sexy talaga. Kahit masungit.
Hindi napansin ni Raul na kanina pa nakatunghay sa kanilang dalawa ni Adriana ang security guard na si Jacob.
----------
RAUL's POV
Panibagong araw na naman. Panibagong araw para gawin ang aking mga plano. Ngayon ay ihahatid ko si Don Emilio sa kumpanya nito kasama ang manugang na si Rigo. Kasama rin namin si Lavinia, ang bunsong anak ng matanda.
Emilio: Raul, huwag mong masyadong pinapansin ang mga sinasabi ng asawa ko. Masasanay din 'yon sa paraan mo ng pananalita.
Seryoso ba 'to? Kinakampihan ako ng matandang 'to? Ayos pala. Talagang tinotoo ni Ysabelle ang banta nitong makakaabot sa asawa ang paraan ng pakikipag-usap ko rito kagabi. Kung magiging malapit ako sa matandang 'to, mas mapapadali ang mga plano ko. Kawawang matanda. Walang kamalay-malay na naiiputan na sa sariling pamamahay.
Raul: Sinabi niyo po, eh. Masusunod.
Tumawa pa ang matanda na ikinabigla ko. Totoo ba ito? Napapatawa ko ang taong umagrabyado sa mga magulang ko?
Napatingin ako sa rear-view mirror ng sasakyan. Huling-huli kong nakatitig sa akin si Rigo. Huli ka. Mabilis itong nag-iwas ng tingin. Nakita ko pang parang naging malikot ang mga mata nito.
Napatingin naman ako sa katabi nitong si Lavinia. Kanina pa ito tahimik. Hindi ako sanay dahil madalas ay marami itong kwento. Siguro ay may problema sa university. O baka naman sa love life? Alam kong may boyfriend itong Justin ang pangalan. At alam ko ring close ni Lavinia si Marta. Susubukan kong kausapin si Marta at alamin kung ano ang problema nitong si Lavinia at baka maaaring makatulong sa aking mga plano.
Ilang minuto lang pagkatapos maihatid sa university si Lavinia ay nakarating na kami sa kumpanya ni Don Emilio. Ang kumpanyang dating pinagtatrabahuan ng namayapa kong ama.
Pinagbuksan ko ng pinto ng sasakyan si Don Emilio at nang makababa ay sinalubong ito ng mga security guards ng building kung saan naroon ang kumpanya nito. Kinuha nila ang mga gamit ng matanda mula sa sasakyan.
Dapat mag-hire na rin ng bodyguard itong si Don Emilio. Pero kung sabagay, mas okay nang wala para walang sagabal sa mga plano ko pagdating ng panahon. At saka mukha namang bodyguard na nito si Rigo.
Oo nga pala. Bakit hindi pa bumababa ng sasakyan ang isang 'yon? Binuksan ko ang pinto ng passenger seat para silipin kung ano ang ginagawa ni Rigo at nagulat ako sa aking nakita.
Raul: Sir Rigo?
----------
itutuloy...