KABANATA 10

1249 Words
RAUL's POV Hindi ko akalaing bibigay agad si Cecilia sa patibong ko. Grabe na pala ang katigangan ng babaeng 'yon. Iba talaga ang kamandag ko. Binubuhay ang init ng mga babaeng kulang sa dilig. Hindi ko naman maitatangging nag-enjoy din ako sa pagtikim ko sa kanya. Pero hanggang doon na lang 'yon. Hahayaan ko silang mabaliw sa pagnanasa, pero hindi ko ibibigay ng buo sa kanila ang katawan ko. Kailangan kong magtira para sa asawa ko. Natawa ako nang maisip 'yon. Hindi ko nga ipapahiram ang buo kong katawan, pero patitikimin ko pa rin sila ng sarap. Ano ang pagkakaiba niyon sa taong nagtaksil sa kanyang asawa? Ang pinanghahawakan ko na lang siguro ay hindi nila makukuha ang puso ko. Si Joy lang ang mahal ko. Wala ng iba pa. Siya lang ang magmamay-ari ng puso at buong katawan ko. Pagkatapos ng paghihiganti kong ito ay babalik na ulit sa normal ang buhay ko. Mamumuhay na akong matiwasay kasama ang asawa ko. Nasa malalim akong pag-iisip nang pumasok sa servant's quarter si Fabio. Malungkot ito. Raul: Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa 'yang mukha mo, pare? Nitong mga nakalipas na araw ay nakasundo ko na ang mga kasamahan kong trabahador din ng mga Mondragon. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Maski sila ay may mga daing din sa bawat miyembro ng pamilya maliban kay Mang Baldo. Puring-puri nito ang mga Mondragon. Fabio: Bad trip kasi, pare. Narinig ko kanina na may date daw si Ma'am Adriana ngayon. Lalo tuloy akong nawawalan ng pag-asa sa kanya. Talaga? May date si Adriana? Akalain mong may makikipag-date sa masungit na 'yon. Gusto kong matawa sa hitsura ni Fabio. Bigong-bigo ang pagmumukha nito. Parang pinagkaitan ng lahat ng bagay sa mundo. Raul: Type mo ba talaga si Adriana, pare? Eh, ang sungit niyon. Laging magkasalubong ang kilay. Parang ganito, oh. Ginaya ko si Adriana at pinagsalubong ko ang aking kilay. Pagkatapos ay itinaas ko ang aking kanang kilay. Ginaya ko rin ang kanyang pagsasalita. Raul: Raul, ipagmaneho mo ako. Hindi ka maaaring makipag-usap sa akin dahil isa ka lamang hamak na driver. Tumingin sa akin si Fabio at pagkatapos ay malakas na tumawa. Fabio: Huwag mo nang uulitin, pare. Hindi bagay sa 'yo. Raul: At least napatawa kita. Para ka kasing timang diyan. Nakipag-date lang si Adriana, nawalan ka na agad ng pag-asa. Pwede mo naman siyang ligawan sa sarili mong paraan. Fabio: Paano? Isa lang naman akong hamak na hardinero. Baka sabihin niya rin sa akin na wala akong karapatang kausapin siya? Raul: Alam mo, pare, walang mawawala sa 'yo kung susubukan mo. Lakasan lang 'yan ng loob. Gusto mo tulungan pa kita, eh. Tumaas-baba pa ang mga kilay ko matapos sabihin 'yon. Fabio: Talaga, pare? Sige. Gusto ko 'yan. Patulong na rin tayo kay pareng Jacob. Hindi ko alam kung bakit ako natotorpe pagdating kay Ma'am Adriana. Isa siyang dyosa sa aking paningin. Isang malakas na pagbato ng unan ang iginawad ko kay Fabio. Raul: Corny mo! Nasalo naman nito ang unan. Fabio: Pero, pare, bakit Adriana lang ang tawag mo kay Ma'am Adriana? Humalakhak ako ng malakas. Raul: Nakikita mo ba sa silid na ito si Adriana? Umiling si Fabio. Raul: 'Yon ang sagot. Wala siya rito, so hindi niya maririnig na tinatawag ko lang siyang Adriana. Tumawa akong muli at napailing na lamang si Fabio. ---------- THIRD PERSON POV Umiiyak sa kusina si Lavinia habang inaalo siya ni Yaya Marta. Marta: Senyorita, tahan na po. Kanina pa po kayo umiiyak. Naiiyak na rin po ako. Si Marta ay kasing-edad lang ni Lavinia kaya madali silang nagkasundo pagdating sa usapang pag-ibig at kalandian. Alam ni Marta ang buong kwento ng pag-iibigan nina Lavinia at ng kasintahan niyang si Justin. Alam din ni Lavinia ang mga kahalayan ni Marta. Alam niya ang pagnanasa nito sa security guard nilang si Jacob kahit na may asawa na ito. Buti na lang talaga at faithful si Jacob at hindi nito pinapatulan ang panlalandi ni Marta. Hindi nga lang alam ni Lavinia na may gusto itong si Marta sa boyfriend niyang si Justin. Malibog na babae si Marta pero pagdating kay Justin ay hindi pagnanasa ang unang nararamdaman nito kundi hiya. Marta: Sige ka, Senyorita, papangit ka kapag hindi ka tumigil sa pag-iyak. Hindi ka na dyosa katulad ko. Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ni Lavinia. Kanina pa tulog sa kani-kanilang kwarto ang kanyang mga magulang at ang ate niyang si Cecilia at ang asawa nito. Si Adriana ay may date daw kasama ni Erwin. Boto siya sa lalaking 'yon para sa ate niya dahil talaga namang responsable sa buhay. Dahil tahimik na ang paligid kaya malaya niyang nailalabas ang kanyang totoong emosyon. Nasasaktan pa rin siya rahil sa nakita niyang pagkakanulo sa kanya ng mga sariling kaibigan kasama ang kanyang talipandas na boyfriend. Lavinia: Ang sakit-sakit, Yaya Marta. Niloko niya ako. Niloko nila ako. Marta: 'Di ba nagpaliwanag na sa 'yo si Sir Justin kanina? Lavinia: Syempre hindi niya aaminin 'yong totoo. May lalaki bang umaamin na nambababae sila? Wala naman, 'di ba? Marta: Hmmm… Sabagay. Pero baka naman wala talagang ginagawang masama si Sir Justin. Lavinia: Kitang-kita ng dalawa kong mata 'yong pakikipaglandian niya roon sa tatlo kong kaibigan. Sa mga traydor na kaibigan ko pa talaga. Lalong lumakas ang paghagulgol ni Lavinia. Marta: Tama na po, Senyorita. Namamaga na po 'yong mga mata niyo. Lavinia: Pasensya ka na, Yaya Marta. Baka naaabala na kita? Marta: Wala po 'yon, Senyorita. Friends tayo, 'di ba? Nagpatuloy pa rin sa pag-iyak si Lavinia habang pilit na pinapakalma ito ni Yaya Marta. ---------- RAUL's POV Kausap ko ngayon sa cellphone ang aking asawa. Mahimbing nang natutulog sina Mang Baldo at Fabio. Raul: Miss na miss na kita, mahal ko. Sa Linggo ay uuwi ako riyan para magkita na tayong muli. Kumusta naman diyan? Joy: Ayos lang, mahal ko. Nami-miss na rin kita. Pero para naman sa atin 'yang ginagawa mo kaya naiintindihan ko. Kaya kong magtiis. Sapat nang marinig ko ang boses ng asawa ko para lalo pa kong magpatuloy sa buhay. Hindi ako susuko hanggang nandiyan ang asawa ko sa aking tabi. Pero hindi niya kailangang malaman ang tungkol sa ginagawa kong paghihiganti rahil alam kong tututol siya. Raul: Alagaan mo ang sarili mo riyan. Huwag kang magpapagod sa palengke at lalong huwag na huwag kang magpapagutom. Mahal na mahal kita, asawa ko. Joy: Mahal na mahal din kita, asawa ko. ---------- THIRD PERSON POV Tahimik na nakaupo sa guard house si Jacob habang nakikinig ng radyo nang maramdaman niyang may kumapit na kamay sa kanyang balikat. Mabilis siyang lumingon at nagulat siya sa kanyang nakita. Isang babaeng nakasuot ng silk bathrobe. Bukas ang roba nito at kitang-kita niya ang nagmumurang dibdib nito na gusto nang sumabog mula sa pagkakakulong sa maliit nitong bra. Ang baywang ng babae ay kurbadong-kurbado patungo sa balakang nito kung saan nakapalibot ang string bikini. Bakat na bakat sa pang-ibaba nito ang dalawang labi ng p********e nito. Parang kinakain ang tela ng manipis na saplot. Napalunok si Jacob. Hindi ang asawa niya ang nasa kanyang harapan pero natatakam siya sa babaeng ito. May edad na ito pero katakam-takam pa rin. May asim pa. Dahan-dahang tumayo si Jacob mula sa pagkakaupo at nakipagtitigan sa babaeng nasa harapan niya. Jacob: Ano ang kailangan mo? Malanding ngumiti ang babae. Babae: Ito. Mabilis na dumapo ang kanang kamay ng babae sa bukol sa harapang parte ng unipormeng pantalon ni Jacob at pinisil ang matigas na alaga nito. Jacob: Nnnggghhh… ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD