RAUL's POV
Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Cecilia mula sa rear-view mirror. Mukhang matindi ang tama nito sa akin. Ngumingisi lang ako sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. Siya naman ay ngumingiti ng palihim. Hindi siya napapansin ng kanyang asawa rahil nakatutok ang mga mata nito sa labas.
Ngayon ay plano ng mag-asawang mamasyal sa mall. Mag-bonding. At kinuha nga ni Cecilia ang serbisyo ko para sa buong araw na pinahintulutan naman ng kanyang ama. Tulad nang dati ay sumabay sa van ni Don Emilio ang anak na si Lavinia at ipinagmaneho muli sila ni Jacob. On the way naman kasi ang university na pinapasukan ni Lavinia papunta sa opisina ng matandang Don.
Ginamit naman ni Adriana ang sariling van papunta sa shop nito. Minsan talaga ay paiba-iba ang mood ni Adriana. Minsan gusto niyang siya ang nagda-drive papuntang shop niya. Minsan naman gusto niyang ipinagda-drive siya papuntang shop.
Sayang. Hindi pa siya sumabay dito sa kapatid niya. Nasa mood pa naman akong asarin siya. Hmmm… Mukhang nagiging feeling close ako kay Adriana. Hindi pwede ito.
Cecilia: Buti naman at hindi ka busy sa negosyo ngayon, Rigo. Kayang-kaya naman 'yon ni Papa.
Rigo: Well, matagal ko na rin namang gustong mag-leave. At saka matagal na rin simula noong huli tayong lumabas. Nami-miss na rin kita.
Kitang-kita ko nang hawakan ni Rigo ang kamay ni Cecilia at pisilin ito. Sweet din pala itong si Rigo. Kaso napansin ko ang pagtingin niya sa akin sa rear-view mirror ng may halong lagkit. Aba! Tama yata ang hinala kong binabae itong asawa ni Cecilia.
Malalaman ko rin 'yan.
----------
THIRD PERSON POV
Sa Adriana's Haven…
Adriana: Buti naman ay naisipan mo kong bisitahin, Judy. Nakakaloka mag-isa rito sa shop ko.
Judy: Eh, nasaan ba kasi 'yong dalawa mong assistant?
Adriana: Sabay silang nag-leave. Hinayaan ko na. Bihira lang naman silang mag-leave. At isa pa, kaya ko naman dito. Kapag ganitong walang masyadong customer lang naman ako nabo-bore.
Judy: Mag-boyfriend ka na kasi. Ewan ko ba naman sa 'yo kung bakit hindi mo pa sinasagot si Erwin. Ang tagal-tagal na niyang nanliligaw sa 'yo.
Adriana: Alam mo, okay naman siya. Kaso ang boring niyang kausap. Wala siyang ka-thrill-thrill sa katawan. Pero naa-appreciate ko talaga lahat ng efforts niya. Actually, siya ang first suitor ko. Hindi siya tinablan ng katarayan ko.
Judy: He's a good catch. Sayang naman kung pakakawalan mo.
Nagbuntung-hininga si Adriana.
Judy: Anyway, balita ko may bago raw kayong driver. Gwapo ba?
Biglang tumaas ang kilay ni Adriana.
Adriana: Feeling gwapo kamo. Sobrang presko pa. Parang sinalo niya lahat ng kayabangan sa mundo. Ito pa. Feeling close.
Napatango-tango si Judy.
Judy: Hindi rin ba umubra sa kanya ang katarayan mo?
Adriana: Oh, well. Driver lang siya. Alam niya rapat ang limitasyon niya.
Judy: So, ipinamukha mo sa kanya?
Adriana: Of course. Pero huwag na natin siyang pag-usapan. Please lang. Ayokong masira ang araw ko.
Judy: Okay.
Napapangiti si Judy sa nakikitang iritasyon sa mukha ni Adriana.
----------
Sa Eastmond University…
Napalingon si Justin sa tatlong babaeng tumawag sa kanya. Nakita niya ang tatlong kaibigan ng kasintahang si Lavinia. Sina Flor, Cara, at Nanette.
Justin: Oh. May kailangan kayo?
Flor: Itatanong lang sana namin kung bakit hindi na sumisipot sa tambayan namin si Lavinia.
Kumunot ang noo ni Justin.
Justin: Ha? Hindi ko alam 'yan.
Cara: Yes. Lagi niyang sinasabi na busy siya.
Biglang lumingkis sa kaliwang braso ni Justin si Nanette.
Nanette: Baka naman kasi lagi mo siyang pinapagod kaya hindi na siya sumasama sa amin?
May halong panlalandi ang boses nito.
Sa kanang braso naman ni Justin lumingkis si Flor. May halo pang pagpisil sa braso ng binata si Flor.
Flor: Baka ginagalingan mo ang performance sa kama, Justin, kaya lagi siyang pagod?
Biglang naguluhan si Justin sa inaasal ng mga kaibigan ni Lavinia.
Justin: Sandali. Naguguluhan ako. Ano bang…
Cara: Come on, Justin. We know your reputation in this campus. You are a s*x addict. Pakikipagtalik lang naman ang habol mo kay Lavinia, 'di ba? Kayang-kaya naming ibigay sa 'yo 'yon. Let's have a fours*me.
Pinaglandas ni Cara ang daliri sa malambot na ibabang labi ni Justin. Napanganga siya sa narinig. Dahil nakabuka ang bibig ni Justin, malayang naipasok ni Cara ang daliri nito sa loob ng bibig ng binata. Nang ilabas ni Cara ang daliri mula sa bibig ni Justin ay ipinasok naman nito ang daliri sa loob ng sariling bibig at sinipsip.
Cara: Sarap mo, Justin.
"Masarap ba?"
Ang kaninang nakakapit sa magkabilang braso ni Justin na sina Nanette at Flor ay napabitaw nang makita kung sino ang nasa likod ni Cara. Nang lumingon si Cara ay isang malakas na kamao ang tumama sa kanyang mukha. Napaupo sa semento si Cara kasabay ng pagliliparan ng mga gamit nito.
Inalalayang tumayo nina Nanette at Flor ang duguan ang ilong na si Cara. Pero mabilis na hinablot ng babaeng sumuntok kay Cara ang buhok ng dalawa pataas. Sa sobrang lakas ng puwersa ay napaangat mula sa pagkakaluhod sina Flor at Nanette. Kasabay niyon ay ang pagbubungguan ng mukha nila sa isa't isa. Binitiwan ng babaeng amazona ang buhok ng dalawa at sabay na napaupo sa semento sina Nanette at Flor kasama ni Cara.
Justin: Lavinia!
Nanlilisik ang matang napatingin si Lavinia kay Justin.
Lavinia: Cheater!
Mabilis na tumakbo palayo ng lugar na iyon si Lavinia. Pero nakita nito ang mga ilang estudyante sa campus na nag-uumpukan at nakikiusyoso sa naganap na panggugulpi nito sa tatlong kaibigan.
Nakita ni Lavinia ang ibang estudyante na nagvi-video sa mga cellphone ng mga ito ng nangyaring gulo. Naramdaman na lang ni Lavinia ang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha mula sa mga mata nito.
Justin: Lavinia, wait!
----------
RAUL's POV
Nandito na ako ngayon sa loob ng isang sikat na mall. Ang laki naman ng mall na ito. Nakakahilo sa rami ng tao. Saan ko naman kaya siya pupuntahan? Kakaiba rin maglaro ang babaeng ito.
Sinimulan ko nang suyurin ang bawat bilihan ng damit sa loob ng mall. Hindi ko talaga siya makita.
Hanggang sa umabot ako sa isang tenant na nagbebenta ng mga lingerie. Naroon si Rigo.
Pumasok ako sa loob at nilapitan siya. Bigla naman naging malikot ang mga mata nito at parang pinagpapawisan.
Rigo: Oh, Raul. Bakit napasugod ka rito?
Raul: Sir, bumalik na ho sa van si Ma'am Cecilia. Sumama ho ang pakiramdam niya. Pinapasundo niya ho kayo sa akin.
Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mata, pero hindi niya ko pwedeng mabulilyaso.
Rigo: Sigurado ka ba?
Bago ko siya sagutin ay nakita kong sumilip mula sa isa sa mga fitting room si Cecilia. Nakita niya ako at ngumiti siya ng pagkalandi-landi. Mabilis siyang lumipat sa katabing fitting room.
Tumawag ako sa numero ni Cecilia na ibinigay niya sa akin kaninang umaga.
Raul: Ma'am, kayo na po ang kumausap kay Sir Rigo. Sinabi ko na hong sumama ang pakiramdam niyo at nasa van na ho kayo.
Iniabot ko ang aking cellphone kay Rigo.
Raul: Sir.
Tiningnan ko si Rigo habang nakikipag-usap kay Cecilia at mukha namang paniwalang-paniwala ito. Pagkatapos makausap si Cecilia ay mabilis niyang ibinalik ang cellphone ko sa akin at patakbong lumabas ng bilihan ng lingerie.
Nakatingin sa humahangos na si Rigo ang mga tao sa loob ng tenant at sinamantala ko ito para pumasok sa fitting room na pinasukan ni Cecilia.
Napaka-sexy niya sa suot na pink lingerie. Pumuputok ang dalawang dibdib at nakakaakit ang cleavage na nakabuyangyang sa harap ko. Nakasandal siya sa dingding at unti-unti akong lumapit sa kanya.
Isinandal ko ang aking mga palad sa dingding. Nakapagitan ang kanyang ulo. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha. Nakangiti siya ng nakakaakit at ngiting-demonyo naman ako.
Raul: Ano na? Wala ng asungot.
----------
itutuloy...