LoLo Maria ( POV) Nagtagal ako ng ilang taon sa paghahanap ng aking anak sa Italy pero nabigo ako. Pagdating ko sa Pilipinas ay dumeretso ako sa bahay ng aking Apo. Habang wala ako sa Pilipinas ay may mga tao akong iniwan para manmanan ang aking Apo. Alam ko kung paano siya pinalaki ni Condrado. Napalalim ang aking pag hinga kung maalala ko ang pangalang Condrado. Sa edad ko na kinse ay nag mahal ako at siya iyon. May nangyari sa amin sa mura naming edad, ang akala ko mahal niya din ako pero nagkamali ako dahil narinig ko kung paano nila ako pinagtawanan ng kaibigan niyang si Leo. Umalis ako sa probinsiya at pinag patuloy ko ang pag-aaral sa Manila. Dito ko nakilala si Frank Lazaro na half Filipino at half Italian. Niligawan niya ako hanggang nahulog ang loob ko sa kanya. Gusto din siya