Caleb (POV) Agad kaming tumakbo sa kusina ng marinig namin ang pagtawag ng mahal ko sa Lolo niya. Nadatnan namin siya na namimilipit ng sakit hawak ang kanyang puson. Agad ko siyang binuhat at dinala sa aking silid. Napatingin ako sa aking kamay na sumapo sa pang upo niya kanina. May pula ito, agad kong inamoy at amoy dugo. Binuhat ko ulit siya patungo sa banyo at ibinaba ang kanyang pang ibabab na kasuotan. Sana tama ang aking hinala kaya tinanong ko kung ano pa ang nararamdaman niya. Napangiti ako at niyakap siya agad, maluha-luha siya ng sinabi ko na dinatnan na siya. Nag kamali ako sa sinabi ko na mag kakababy na kami dahil isinampal niya sa mukha ko ang may dugo niyang underwear. Napaka bilis ng kamay niya ay hindi ko man lang nailagan. Dahil sa pag mura ko ay napa katok ang dalawang