Shy (POV) Habang kumain kami ni Doc. ay ramdam ko ang mga mata na nakatitig sa akin. Napatingin ako sa kanan ko, grupo sila na nakatitig sa akin. Sinabi ko kay Kuya, sinabi niya na hindi ko dapat pansinin pero kinakabahan ako sa mga titig nila. Kaya kong ipagtanggol ang sarili kung mano-mano pero ibang usapan na pag may baril sila. Bumalik kami sa aming kwarto para makapagpahinga, mabuti narin na umulan dahil kung mamasyal pa kami ay baka tambangan pa nila kami. Bumalik kami sa aming kwarto at nag nap. Pag kagising ko ay mag-isa lang ako sa kwarto. Bumangon ako para tignan sa labas kung malakas pa ang ulan pero napatingin ako sa kandado ng pintuan ng balcony. Sira ito at halatang pinilit na buksan, napansin ko rin ang mga bakas ng mga sapatos sa sahig. Habang nag-iisip ako ay dumating s