Shy (POV) Habang naliligo ako ay napatingin ako sa aking isang dibdib na may bukol, natatakot akong kapain ito. Hindi naman siya masakit pero takot parin ako. Sana hindi ako matulad sa kapitbahay na namin na tuluyan nang inalis ang isang breast niya dahil maraming tumutubo hindi naman daw cancerous kaya lang makulit ang mga bukol niya. Kada alis sa bukol na tumubo ay may papalit agad. Kaya pinag pasyahan ng Doctor na alisin nalang ng tuluyan ang isa niya dibdib. Tinapos ko na agad ang paliligo ko nag suot ako ng t-shirt at short na luwag na lagpas tuhod. Pagkatapos akong nagpalit at dumeretso ako sa kusina. "Lo, aalis na ako." "Saan ang punta mo? hapon na! " tanong ng aking Lolo na napalingon sa akin. Abala siya sa pagluluto. "Kina Lolo Leo Lo, check up ko ngayon." "Ah, ganun ba, p