Shy (POV) "Shyyyy sandali!" Napahinto ako dahil may tumatawag sa aking pangalan, nilingon ko. Walang iba kundi si Melvin, kaya pinag patuloy ko ang paglalakad. "Please Shy!" Dinig ko parin na sigaw niya pero patuloy parin ako ng mabilis na pag lakad, napahinto ako dahil na awa ako sa itsura niya na humahabol. Nahihirapan siyang mag-lakad, dulot ng malakas na pagkasipa ko sa kanya kaya hinintay ko siya. Pagkalapit niya ay humingi siya agad ng tawad. Hindi ako umiimik at pinapakinggan ko lang siya. "I promise Shy, hindi na kita kukulitin at babastusin basta mapatawad mo lang ako." "Ok," Maiksing sagot ko lang. "Thanks Shy." Sambit niya kaya ngumiti lang ako, napatingin ako sa gate sumisilip si Doc. Kaya nag paalam na ako kay Melvin na mauuna na ako. Habang nasa biyahe kami ay nakahawa