Pinilit ni Mannex na alisin sa kaniyang sistema ang dalagang pumukaw sa kaniyang atensyon dahil mas bata ito sa kaniya ng ilang taon. Maraming taon na rin ang nakalipas simula noong huli silang nagkita at para sa kaniya, nakalimutan na niya ang dalaga. Ngunit paano kung isang gabi, matagpuan na lang niya ang sarili na magkayakap sila sa iisang kama at walang saplot? Maalis pa kaya niya sa kaniyang sistema ang dalagang ito?