*** Mae *** Maagang gumising si Mae nang umagang iyon. Maligaya at puno ng sigla ang araw niya. Sa loob ng ilang taon na pagtatrabaho niya sa Kowamoto ay ngayon lang siya nakaramdam ng kakaibang gising. Sobrang gaan na may kahalong excitement na pumasok sa opisina, hindi para simulan nang maaga ang trabaho kun’di ang makita agad si Jacob. Sobrang na-miss niya ito nang lubos kahit isang araw lang naman silang nagkalayo. Nais niya sana itong tawagan pagdating nila ng Maynila pero kinain siya ng hiya, isa pa naisip rin niyang baka nasa kalagitnaan pa ito ng meeting at abala sa diskusyon nito sa kliyente. Iyon din ang isa sa mga problema niya, hindi niya alam ang schedule nito nang malaman man lang sana niya ang ginagawa nito araw-araw. Kailangan na yata niyang kapalan ang mukha at makipag