CHAPTER 39

1854 Words

*** Mae *** Pilit na inaaninag ni Mae ang daan papunta sa punong tagpuan nilang dalawa ni Jacob, ang malaking puno ng Narra na siyang pinagpahingahan nila kaninang tanghali. May pag-iingat ang kanyang bawat hakbang sa takot na matalisod sa nagkalat at naglalakihang mga ugat ng puno sa paligid. Dahil walang kuryente ay tuluyan nang nilamon ng dilim ang paligid, iilang ilaw lamang na nagmula sa mga tent ang takaw-pansin sa kalmado’t tila namamahingang inang kalikasan. Maliban sa nagkakaisang ingay ng panggabing insekto, tanging ang tunog na idinulot ng natatapakan niyang tuyong mga dahon at maliliit na patay na sanga sa lupa lamang ang kanyang naririnig sa paligid. Kapansin-pansin na rin ang mas lumalamig na temperatura lalo pa’t nasa tuktok sila ng bundok at napapalibutan ng mga nagtatay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD