“Hindi po kayo maniniwala, nanay, pero sa totoo lang po ay wala talaga akong kaalam-alam na si Jacob na pala ang uupo bilang bago kong amo. Parang nayanig nga po ang mundo ko nang nakita ko siya sa conference room habang ipinakilala ni Mr. Ching. Magkahalong gulat at pananabik po ang naramdaman ko no’ng mga oras na iyon subalit sa nakikita kong pagbabago sa kan’ya ay nabalutan po ako ng kaba at takot. Ang suplado niya po kasi at strikto,” nguso niyang sumbong kay Nanay Jacinta. Tila naaliw naman ito nang husto sa ikinuwento niya. “Ganitong-ganito ba, anak?” Ginaya nito ang pagdugtong ng kilay ni Jacob at ang fierce look. Natawa siya sa ginawa nito. Sa totoo lang ay halos magkamukha naman talaga ang dalawa kaya hindi malayo ang paggaya ng mukha nito sa mukha ni Jacob dati. “Ganya