“Whiskey on the Rocks, please,” ani ko sa bartender. Ngumiti ito at mabilis na tumalima. “How could a handsome man holding a devilish drink here?” anang isang malagkit na tinig mula sa aking likuran. Napalingon ako sa aking gilid nang umupo roon ang babaeng may hawak na martini glass. Nakataas ang gilid ng labi nito pero hindi ako tinapunan ng tingin. “It’s just a whiskey,” kaswal kong sabi. Tinungga ko ang laman ng baso at humingi pa ng bago. Muli ay nilingon ko ang katabi, she looks sophisticated. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito, she’s wearing a V-cut crop cami top and short skirt. All in black even her high heels. I heard her chuckle. “Am I already attractive enough?” ani nitong nakangiti at lumingon sa akin. I was a bit mesmerized by her innocent brown eyes. Her face