Kabanata 13

1126 Words
UMAGA. Habang kumakain ng almusal, nagpakita si Delilah ng giliw sa kanyang Ate Greta. Kailangan niyang suyuin ang kapatid para muling himukin na umatras sa kasal nito kay Amir. “Ate,” pagbasag niya sa katahimikan. Inabot niya ang baso at uminom ng tubig. Nakangiti itong tumingin sa kanya. “Yes?” “Desidido ka na ba talaga sa desisyon mong pakasalan si Amir?” tanong niya. Silang dalawa lang ang magkaharap sa mahabang mesa. “Ang aking desisyon ay pinal at hindi na mababawi,” sagot ni Greta sa nakababatang kapatid. Dahan-dahan itong nagbuhos ng juice sa baso. “Ang kaligayahan ko ang aking susundin at wala nang iba pa.” Napakagat-labi si Delilah. Gusto niyang sumuko, ngunit labag sa kanyang kalooban. Kaya hindi niya gagawin iyon! Baka bukas magbago ang isip ni Ate Greta, nasabi niya sa sarili habang pinagmamasdan ang kapatid na kumakain at parang walang pakialam sa topic na binuksan niya. Kinalamay niya ang sarili at inalis sa isipan ang tungkol sa kanyang pinoproblema sa kapatid. Sinubukan niyang ituon ang atensyon sa pagkain, ngunit hindi sinasadyang pumasok sa isip niya si Beau. Napangiti siya sa sarili. Unang kita pa lang niya kay Beau ay humanga na siya. Bumibilis ang t***k ng puso niya at kakaibang saya ang naramdaman niya nang makita ang lalaki. Hindi niya maitatanggi ang nararamdaman niya para kay Beau. Hindi niya akalain na sa maikling panahon na magkakilala sila’y agad nitong bibihagin ang puso niya. “Delilah.” Nagtaas siya ng mukha sa gulat. “Ano ‘yon, Ate?” “Bago ko makalimutan, mamayang hapon ‘andito ang modista para sukatan ka ng damit na isusuot mo sa araw ng aking kasal. Pinaplano pa lang namin noon ang kasal at napagkasunduan namin ni Amir na ikaw ang magiging maid of honor.” Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Napagkasunduan namin? Inulit niya sa isip ang huling sinabi ng kapatid. Hindi ba ito makapagdesisyon na piliin siya na maging maid of honor? Ibinaba ni Delilah ang hawak na kutsara't tinidor. Bigla siyang nawalan ng ganang magpatuloy sa pagkain. Iniisip pa lang niya ang pagiging sunud-sunuran ng kapatid sa mapapangasawa nito’y kumukulo na ang dugo niya. “May pupuntahan ako mamaya. Puwede ba sa ibang araw?” malamig niyang tugon dito, at dinala sa bibig ang tasa ng mainit na kape. Mula sa gilid ng kanyang mga mata’y lihim niyang pinagmamasdan ang mukha nito. Hindi masabi ng dalaga nang diretso sa kapatid ang nasa isip niya. Ayaw niyang dumalo sa kasal. Hindi na talaga kayang bawiin ng kanyang Ate Greta ang desisyon tungkol sa pagpapakasal kay Amir. At dahil doon, tila gumuho ang pag-asa niyang mapigilan pa ang kasal ng dalawa. “Ang modista ay manggagaling sa Maynila–” “Importante ang lakad ko,” putol niya sa sasabihin nito. Ang totoo’y wala naman talaga siyang importanteng pupuntahan. Pero napag-usapan nila ni Beau na magkita silang muli sa Hacienda De Luna para samahan ang lalaki sa pamamasyal. “S-sige sa ibang araw na lang,” sabi ni Greta na parang napipilitan. “Delilah, ikaw na lang ang natitirang pamilya ko. Sana nando’n ka sa araw ng kasal ko. Memorable para sa akin ang araw na iyon.” Nang sabihin iyon ng kanyang Ate Greta, nakaramdam siya ng habag dito. Paano niya sasabihin sa kapatid na hindi siya dadalo sa mangyayaring kasalan? Tumango siya sa kapatid. Nang maubos ang kape niya’y lumabas na siya ng komedor. Naiwan mag-isa si Greta sa hapag-kainan. Hindi ito nagsalita bagkus ay sinundan nito ng tingin si Delilah. Hindi ito naniniwalang may importanteng pupuntahan ang nakababatang kapatid. Umiiwas lang ito. Paano ko makukumbinsi si Delilah na mabuting tao si Amir? MC SA harap mismo ng salamin, umiyak si Delilah. Ibinubuhos niya ang kanyang sama ng loob para sa lalaking magiging kabiyak ng kapatid. Kasalukuyan siyang nasa master bedroom ng kanilang yumaong mga magulang. Dito niya naisipang pumunta pagkatapos ng almusal. Talo siya sa ipinakitang pagmamatigas ng kapatid. Yuko siya sa naging desisyon nito. Kailangan niyang harapin si Amir! Alam niyang salapi lang ang gusto ng lalaki sa kanyang kapatid, at handa siyang pag-usapan 'yon. Kung kailangan niyang tapalan ito ng pera gagawin niya. Tinignan niya ang oras sa kanyang wristwatch. Pasado alas otso nang umaga. Lumabas siya ng master bedroom at pumunta sa sarili niyang silid. Buti na lang at maaga siyang nagising at naligo. Nagmamadali siyang nagpalit ng damit. Pinasadahan niya ng mga daliri ang mahaba niyang buhok. Halos madapa siya habang pababa ng hagdan dahil sa pagmamadali. Agad niyang hinablot ang sombrerong nakasabit sa dingding sa sala. Tumungo sa likod-bahay at kinuha ang mga bota sa bodega at isinuot. Nagmamadali niyang tinungo ang kuwadra ng mga kabayo at kinuha si Speedy. “Magandang umaga, señorita!” bati ni Mang Lorenzo sa dalaga. Nakasakay ang matanda sa kabayong si Hunter. Nagbigay galang si Delilah sa bagong dating. Katatapos lang niyang ikabit ang saddle sa kabayo. “Gusto mo bang samahan kita sa pangangabayo, señorita?” “‘Wag na po. Kabisado ko naman ang buong asyenda at ang pasikot-sikot sa gubat.” Huminga siya nang malalim at pasimpleng tumingin sa terrace kung saan laging tumatambay ang kapatid kapag gusto nitong makalanghap ng sariwang hangin. “Hindi alam ni Ate Greta na mangangabayo ako sa gubat. Pakiusap huwag mong banggitin sa kanya. Maaasahan ko ba kayo, Mang Lorenzo?” “Pero–” “Walang masamang mangyayari sa ‘kin,” putol niya rito. Alam niyang nag-aalala ang matanda sa kanyang kaligtasan. Napilitang tumango si Mang Lorenzo. Sumampa siya sa kabayo at pinatakbo ito nang mabilis. “Bilis, Speedy!” sigaw niya habang lumulundag-lundag ang kanyang katawan sa bilis ng takbo ng kabayo. Alas-nuebe y media na ng umaga. Huli na siya sa usapan nila ni Beau. Parang nakikita niya sa isipan ang nakasimangot na mukha ng binata. Habol ni Delilah ang hininga nang makitang nakaparada ang Toyota Sequoia ni Beau sa gilid ng puno. Biglang naramdaman ng dalaga ang kabog ng dibdib. Bumibilis ang t***k ng puso niya. Naramdaman din niya na parang may mga paruparo na lumilipad sa kanyang tiyan. Kill the butterflies, Delilah. Don't let them live! saway niya sa sarili. Pinahinto niya ang kabayo sa tabi ng Toyota Sequoia. Agad siyang bumaba at sumilip sa tinted na salamin ng sasakyan. “Ako ba ang hinahanap mo?” Napatalon siya sa gulat nang dumampi sa balat ng leeg niya ang mainit na hininga ni Beau. Nang lingunin niya ang binata ay halos magkadikit na ang kanilang mga labi. “Ano ba? Aatakehin ako sa puso dahil sa ‘yo, eh!” aniya nang makabawi. Hinampas pa niya ito sa balikat. Gumanti si Beau sa ginawa ni Delilah. Kiniliti nito ang gilid ng baywang ng dalaga. Napuno ng tawanan ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD