ISANG linggo pagkatapos aminin sa akin ni Martin ang tungkol kay Joy, nagawa na rin niyang sabihin sa akin ang nangyari pagkatapos mawala na parang bula ang babae. Actually, hindi ko na binuksan ang topic na ‘yon kasi alam kong big deal ‘yon para sa kaniya. Alam ko ang pakiramdam na may kinikimkim na alaala at experience na ang hirap sabihin sa iba. Kaya akala ko hindi na uli namin mapag-uusapan ang nakaraan niya. Pero may nangyaring hindi inaasahan na naging dahilan kaya napunta uli roon ang usapan namin. Nag-di-dinner kami sa isang fine dining restaurant sa bandang Ayala. Iyon ang unang beses na lumayo kami sa Katipunan para lang kumain. Nagulat pa nga ako nang ayain ako ni Martin. According to him, we have been seeing each other for more than two weeks and we deserve a real