“MAY aaminin ako sa’yo.” Tumaas ang mga kilay ni Martin pero ngumiti naman. Kalalabas lang niya galing sa banyo. Nagtapon ng condom. “Dapat ba akong kabahan?” Niyakap ko ang mga tuhod ko, hindi inabalang magtakip ng kumot kahit nakahubad pa rin ako. Bakit pa eh alam ko namang magkakaroon kami ng round two. “Hindi ko alam.” Sumampa siya sa kama at umupo sa tabi ko. “Tell me.” Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ako nagdesisyong maging tapat sa kaniya. After all, it has been one week since we decided to see each other. Ito pa lang ang pangatlong beses na nag-s*x kami pero halos araw-araw kaming nagkikita. Martin has an addicting way of f*****g. He is intense and passionate yet gentle. He has a habit of staring at my face whenever I’m having an