Page 16 *** Ako: Nasaan ka na? Kanina pa akong nasa coffee shop at hinihintay si Blake na dumating. Sinubukan ko siyang kausapin ng masinsinan na walang nakakakita sa aming dalawa pero ayaw niya ako kausapin. Nahihirapan tuloy ako. Naisip ko nga na magsolo na lang pero hindi ako pinayagan ng prof dahil strictly for two persons ang bawat topic sa case study. Hindi kakayanin kung ako lang ang gagawa. Liam: Drinking black coffee? I thought you're acidic? Bigla akong napalingon sa buong paligid dahil sa text ni Liam. Ako: You're creepy. Liam: Tumingin ka sa harap mo. Ginawa ko ang gusto niya. Halos mapahinga ako ng malalim ng makita kung gaano kalapit ang mukha ni Liam sa akin. Mabilis kong inilayo ang mukha ko sa kanya at saka umirap. Humalakhak si Liam at kinuha ang kapeng iniinom k