Simula
***
“Risk with me, Roma.” Umiwas ako nang tingin. Hindi ko kaya… paulit-ulit kong sinasabi na mali ito… Na mali ang ginagawa namin na ‘to. This kind of situation is against my rules. But I can’t help it. I just can’t. I love him. I really do.
Inangat niya ang aking mukha at saka ako tinignan nang diretso sa mata. Sometimes, I still can’t believe myself that I’m here. With him.
That I risk my everything just for him. “Nagdududa ka na naman ba?”
“B-Blake…T-This is wrong…” Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magtatagal pero alam kong kapag may nakaalam ng lahat, they will look down on us, on me.
They will hate me.
“There’s nothing wrong with here, Roma.” Hinalikan niya ulit ako sa noo. Ilang beses ko na ba sinabi na mali ‘to? Pero paulit-ulit ko pa rin ginagawa. Paulit-ulit ko rin nilaro sa utak ko ang mangyayari kapag nalaman nila ang tungkol sa amin but I didn’t want to stopped. Alam ko na may masasaktan, alam ko na makakasira ako pero hindi ko kayang tumigil.
Mahal ko siya.
Paulit-ulit ako umiling sa kanya dahil alam ko na mali ito. Sobrang mali at kahit kailanman ay hindi ito magiging tama kahit na gaano pa namin kamahal ang isa’t isa. Hindi kami magiging masaya.
“Baby....” Hinalikan niya ulit ako sa labi na tuluyang nagpapikit sa akin at tinugunan ang mainit na halik na ‘yon. Sinubukan ko naman siya layuan, but I always ended up with him. I always ended up on seeing him hanggang sa hindi ko na makontrol. Hindi ko na alam kung ano ang pagkakaiba ng tama sa mali.
“Babe, are you there?”
Agad ko siyang itinulak palayo sa akin at saka inayos ang aking nagulong damit. Nagpunta ako sa banyo para magtago habang siya ay inayos din ang damit bago puntahan si Xyla. Napapikit ako. Paulit-ulit na senaryo, paulit-ulit din na pagtataksil.
“I’m here babe,” sagot ni Blake bago buksan ang pintuan ng kwarto.