PENTHOUSE at 79 Sunset Boulevard ang sinend ni JL sa text message. That's the Betances Premium Towers. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko at pumayag akong makipagkita sa kanya ngayon. Pwede namang hindi na dahil nakahanda na rin ang loob ko sa pagkawala ng lahat-lahat ng iniwan sa akin ng mga magulang ko. Pero ito ako, nasa harap ng pintuan niya at ilang segundo pa ay kakatok na. Kung hindi niya lang binanggit si Tito Alfonso kanina ay kaya ko pa basahin ang text niya. Diretso delete na sana 'yon. Matapos ang mga natanggap ko mula sa kanyang malulutong na insulto at pagtawa ay gusto kong gumanti. Kahit minsan lang. Then I remembered who I am and how I was raised. Pasalamat talaga 'yang Jose Luis na 'yan at likas akong mabait. I was about to knock when the door swung open at sa hara