WEDDING NIGHT. Well, it's not really like that. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap ni JL nang maayos at mabilisan ang naging kasal namin. Marriage for convenience na nga, naging double convenience pa dahil kinailangan niya rin ng tulong. Nang arestuhin si Tito Alfonso ay nalaman ko kay JL na bukod sa mga bank account nila ay naka-freeze ang lahat ng assets ng pamilya nila. The only reason why JL has kept the condo is because it is under his name. Meanwhile, ang Mama niya ay bumalik sa ancentral house na minana mula sa mga magulang nito. Nang tanungin ko si JL kung sino ang kasama ng kanyang ina ay sinabi sa akin na nandoon ang dalawang katiwala. That's where we're headed right now to drop off Dad. Tahimik si Dad sa buong biyahe at malalim ang iniisip. JL drove us at nasa unahan kami par