UNKNOWN TINGNAN mo nga naman ang pagkakataon. Parang kailan lang ay napakakimi niya at hindi makabasag pinggan. Ngayon ay palaban na at mukhang hindi tatanggap ng panlalait ng kahit sino. Sabagay, isa nga naman siyang Ganfornina. Pero pasasaan ba at kung anong meron siya ay makukuha ko rin. Mas higit naman ang ganda ng kasama ko sa kanya. Kahit ako, mas maganda sa kanya, pero bakit siya pa ang ginusto? Ibibigay ko naman ang lahat-lahat. Pwera na lang kung naghahanap siya ng birhen, well, I can't give him that unless magpagawa ako ng pekeng hymen. Akin si JL. Para saan pa ang mga isinusulat kong loveletters noon kung sa kanya siya mapupunta? Alam ko namang panandalian lang itong kasal nila. Narinig ko sila ni Cleo rito sa opisina niya mismo. Lahat-lahat naririnig ko rito sa opisina niya