PROLOGUE
Habang naglalakad patungo sa lalaking mapapangasawa ko, nasa likuran ko naman ang lalaking hindi ko puwedeng piliin. Pigil na pigil ako sa pagbagsak ng mga luha ko—kung gaano naman kaputi ang damit pangkasal ko ay siya namang itim ng kasuotan ng lalaking nasa harapan ko, kasing-itim ng kanyang pag-uugali.
Paano ko makikisama sa lalaking wala man lang damdamin ang pares ng esmeraldang mga mata? May ngiti na parang nanunuya pa at waging-wagi sa paninira niya sa buhay ng iba.
Hindi ko gustong ikasal sa kanya pero anong magagawa ko?
Hindi ko matanggap na sa ganito lang magtatapos ang relasyon namin ni Shin. At ang masakit pa ro’n, pinapanood niya akong ikasal sa iba.
Nginitian ako nang lalaking nasa harapan. Hindi ko ikakaila na maganda asng hitsura at pangangatawan niya, isa siyang tunay na perpekto sa panlabas na kaanyuan, bukod doon, siya rin ang Vampire King na umampon sa akin at ibinigay lahat ng pangangailangan ko. Akala ko isa siyang mabuting nilalang, palagi kong ipinagpapasalamat at ipinapanalangin na nasa mabuti siyang kalagayan…
Kung alam ko lang na ganitong uri siya ng nilalang…
Inampon lang ako para gawing laruan…
Inampon para maging tau-tauhan…
Nang makarating ako sa harapan at abutin niya ang palad ko ay nagdulot iyon nang labis na pagkatakot sa parte ko.
“Scared?”
Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigiling magsalita ng masama na hindi ko kinalakihan.
Hindi ko mapigil ang sariling lingunin si Shin, pero sa punto na iyon, naglalakad na paalis ang lalaking minamahal ko—pinabayaan niya na akong ikasal sa demonyong katabi ko!
“Marrying another man instead your lover, how do you feel now, my queen?”
Galit na tiningnan ko si Vincent Zordic…
“Queen, you’ll have everything you ask for with me. You don’t have to look so miserable in the most expensive gown that was made just for you.”
Humarap na ako sa harapan, pigil magsalita, pigil ang luha, at pilit itinatayo ang sarili habang nanghihina ang mga tuhod.
“He’ll be miserable knowing that I’m f*****g his girl all night long.”
“Hindi ko alam kung ano ang nagpapasaya sa iyo na gagalawin mo ang isang babaeng hindi ikaw ang iniisip all night long,” ulit niya sa tatlong ingles na salitang binanggit nito.
Naramdaman ko ang palad niyang pumulupot sa ‘king likuran at mas lumapit siya sa akin, “Don’t try to piss me, Queen, I want you to live the happiest life with me, but with that kind of tongue I think you need to be punish once in a while.”
Nanlamig ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Kumabog ang dibdib ko na tila hindi basta-basta hihinto…
“Now, let’s start this wedding so I could devour you in bed as soon as possible, my queen.”
Sinundan niya iyon ng malamig na mahinang pagtawa kasunod ng pagpisil pa nito sa kanyang beywang.
Anong buhay ang dadanasin ko kasama siya?
Paanong maaatim ng katawan kong magpagamit sa lalaking hindi ko gusto kahit katiting?
Paano ko dadalahin ang batang nasisiguro kong mabubuo sa pamimilit niyang sipingan ako?
Sa isipin pa lang na maabuso ako ay nag-init na ang aking mga mata at nakita ko pa ang ngiting tagumpay ni Vincent Zordic nang bumagsak ang butil ng mga luha ko dahil sa magkahalong pangamba at takot.
**
Fours years old ako ng mamatay sa aksidente ang mga magulang ko, wala akong kamag-anak na kumuha sa ‘kin kaya naman napunta ako sa isang ampunan ang St. Rose of Lima house of nuns.
Hindi ko gustong magpaampon dahil gusto ko rin maging isang madre katulad nila Sisters and Mother Superior. Maraming pamilya ang nagtangkang umampon sa ‘kin pero hindi ako pumapayag, hindi naman ako pinilit nila Mother Superior dahil gusto rin nila na madagdagan sila na nagse-serve ng buong puso.
Seven years old ako ng sabihin ni Mother Superior na maaring mapunta na kami sa magkakaibang ampunan, ang mga kaibigan ko na katulad kong pinabayaan at naulila naman ang iba. May nangyari raw at kailangan ibenta ang ampunan na kinatitirikan namin, hindi nila sinabi anong dahilan bakit kailangan ipagbili ang lugar marahil dahil sa murang isip namin noon hindi namin maiintindihan ano man ang dahilan.
Isang buwan na lang ang palugit namin, umaasa na sana sa isang buwan na iyon may maampon na sa ‘min para magkaroon na ng pamilya bago pa man kami magkahiwa-hiwalay.
Isang magarang sasakyan ang huminto, lahat kami nakahanay para abangan kung sino ba ang aampunin nito. Kahit paano umaasa rin ako.
Isang lalaki ang bumaba sa sasakyan at lahat kami ay namangha dahil sa hitsura niya na parang isang guwapong artista, isang prince charming na mula sa aklat ng mga pantasyang hilig kong basahin. Hindi mapigil ni Nicole na ngitian ang lalaki nang mapadako ang tingin nito sa kanya. Parang nasiyahan siya nang sobra ng magbalik ito ng ngiti sa kanya.
“I want that kid.” turo niya sa ‘kin na ikinabigla ko.
Ang lalaking prinsipe ay ako ang gusto?
Tila tuwang-tuwa naman si Mother Superior.
“Maraming salamat, maraming-maraming salamat!” naluluhang sabi nito.
“Katulad nang pinag-usapan, kung may mapipili ako sa mga bata sa ampunan ay makakaasa ka sa akin.”
Lumakad siya papalapit sa akin.
“You are?”
“N-Nicole—“
Nginitian niya ako, “Nicole, I’ll take responsibility with all your needs just tell the nuns. For a while, I will let you stay in this place…”
“Aalagaan namin siyang mabuti, King Vincent!”
Iyon ba ang pangalan niya?
Sa umpisa, akala ko napakabuti niyang nilalang at ang mga ngiti niya ang paulit-ulit kong binabalikan. Inampon niya ako pero hinayaan akong manatili sa ampunan kaya naman tuwang-tuwa ako nang sabihin ni Mother Superior na hindi na kami aalis sa ampunan dahil tinulungan kami ng lalaking umampon sa akin para mapanatili ang ampuna ng St. Rose of Lima. Dahil doon, inisip ko na napakabuti niya kaya gagawin ko ang lahat para masuklian siya.
Pinag-aral niya ako pero ang inuuwian ko pa rin tuwing bakasyon ay ang ampunan pero sa magandang paaralan na ako nag-aaral at katulad ng sinabi niya, sinuportahan niya lahat ng aking pangangailangan.
Sa highschool ko nakilala si Shin, kaedaran ko siya at sa iisang eskuwelahan kami nagkakilala. Mailap siyang lalaki pero talagang humanga ako sa kanyang hitsura na hindi dapat, pero habang tumatagal may kung anon a akong nararamdaman sa kanya. Gusto kong pahintuin ang damdamin na ito pero hindi ko magawa.
Mailap siya dahil madalas siyang nag-iisa at walang pakialam sa paligid. Maraming humahanga sa kanya pero wala rin siyang pakialam sa kahit na sinong babae. Minsan gusto kong matuwa na ganoon siyang lalaki, dahil kapag ganoon ay walang guilt feelings akong nararamdaman na tumitingin at humahanga sa kanya dahil wala pa naman siyang girlfriend, kung katulad kasi siya ng ibang lalaki sa eskuwelahan, imposible na mapansin niya ako.
Naalala ko rin nang mahuli niya akong nakatingin, nabigla ako at hindi kaagad nakakilos sa pagkapahiya pero para namang kinarera ang puso ko nang ngitian niya ako sa unang pagkakataon!