Agnes
*
*
kumain kanaba? tanong ni leo sa kabilang linya
nakatanaw ako sa restaurant kung saan nakaupo ang isa sa lalaki palagi nakasubaybay sa bawal kilos ng asawa ko
tapos na! ikaw? sagot ko
namimiss na kita! pero hindi ako pweding lumapit sayo marami ang nakasubaybay sa bawat kilos ko pati nga kasambahay ko muntikan na makidnap kaya nga pinauwi ko muna sakanila." sagot nito
huwag ka muna uuwi sa isla baka mapahamak si Leandro." sagot ko
yeah i know, mag ingat ka lagi ang ganda mo ng graduation mo, natutuwa ako para sayo, nagtransfer ako ng pera sa card mo magbakasyon ka kasama ang mga kaibigan mo, huwag mo ako alalahanin kaya ko ang laban nato." malambing na wika nito sakabilang linya
balak ko muna magpahinga magbakasyon para makapag relax. bago ako mag apply ng trabaho hindi rin kasi ligtas kung uuwi ako sa isla, kung malaking grupo ang kalaban mo ibig sabihin malalaman nila na may asawa at anak kana." seryosong pahayag ko habang nakatitig parin sa lalaki
tatlong banyaga, mukha lang silang kagalang-galang pero mga halang ang kaluluwa nila. karamihan sakanila criminal pareho lang kami ang pagkakaiba lang mga criminal lang ang pinapatay ko."
itatama ko ang lahat ng pagkakamali ko, ngayon ko lang mapagtanto kung gaano kita nasaktan, matatapos din ang lahat ng ito sisiguradohin ko ang kaligtasan nyo, huwag kang mag alaala babalik ako sayo ng buo." seryoso nitong pahayag
aasahan ko yan! siguradohin mong wala kang magiging babae Leonel, sa oras na lokohin mo pa ako hindi mo na ako makikita kahit kilan, kakalimutan kong magkakilala tayo. isang beses lang kita bibigyan ng pagkakataon ayusin ang pagkakamali mo. kaya aasahan kong magiging tapat ka saakin." seryosong sagot ko
I will keep my promise." malambing na sagot nito
ayaw ko ng salita leo patunayan mo. good night babe." sagot ko
Mwah! love you babe." malambing na sagot nito
hindi ako samagot pinatay ko ang phone.
nakakunot ang noo ko singkit mata na kinikilala ko ang tatlong lalaki na tumatakbo palapit sa kinatatayuan ko habang pinapainum sila ng bala
waaaaaahhh.... tangina kinzo...." galit na sigaw ko nang makilala ang nasa unahan bago ko pa malock ang pinto buksan na ito ni kenzo
Agnes! kumusta sya nga pala sila ang tauhan ko may humahabol saamin." nakangiting wika ni kenzo sabay upo sa tabi ko pumasok sa backseat ang dalawang kasama nito pinaharorot ko ang sasakyan ko.
hulog ka talaga ng langit, good hanggang ngayon suot mo pa ang relo na bigay ko." wika nito na parang walang bala na tumatama sa sasakyan ko.
tangina sabi ko sayo huwag kang lalapit saakin, paano kung malaman ng asawa ko na mamatay tao ako? aba ngayon lang kami nagkaayos tapos sisirain mo." paninirmon ko dito
kinapa nito ang hita ko hinayaan ko lang ito binunot ang baril sa hita ko kinasa yon at binuksan ang pinto sa tabi nakipag palitan ng putok ng baril sa humahabol saamin na sasakyan.
sorry na Agnes! nagkataon lang na laruan ang dala kong baril, si alazne ang may kagagawan pinalitan ng laruan ang mga baril namen kaya tumakbo nalang kami." natatawang sagot nito napamura nalang ako ang pasaway na magkapatid nato ilang beses na akong dinadamay sa kalokohan nila
napasinhap ako ng marinig ang malakas na pagsabog ng sasakyan na humahabol saamin
hahaha! see you in hell." natatawang sambit ni kenzo umayos ng upo bumagal ang pagdrive ko. sumandal sa balikat ko si kenzo
ang kamay mo kenzo." sita ko naramdaman ko kasi ang paghaplos nito sa hita ko
hahaha babalik ko lang ang baril sa hita mo." natatawang sagot nito
napakamanyak mo talaga." yamot na wika ko naramdaman ko ang paglagay nito ng baril sa hita ko
Agnes! kailan tayo maglalaro? parang bata na tanong nito napangisi ako
gusto mo maglaro tayo? tamang-tama may mga kahina-hinala na mga kalalakihan na sumusunod sa asawa ko. gusto mo paglaruan natin sila? excited na sagot ko
ahemmm! boss alalahanin mo ang dami mo nang kalaban huwag mo nang dagdagan." paalala ng tauhan nito
tsk! ang dami nyo! bakit hindi kayo kumilos hindi yong nakasunod kayo lagi saakin." galit na sagot ni kenzo huminto ako sa tabing kalsada
baba! " ani ko
wow! ang bait mong kaibigan. walang dumadaan dito." reklamo ni kenzo
arayyyyy! oo na." sagot nito naunang bumaba ang dalawang kasama nitong lalaki pagkalabas ng sasakyan agad kong pinaharorot ang sasakyan ko
hahaha! naisahan ko din sila." natatawang turan ko
ipapawalang bisa ko paba ang kasal mo? tanong nito nakasandal parin ang ulo sa balikat ko
kailangan ko ang listahan ng syndicate, Draco Talon ang leader nila kailangan ko ang matataas na bumubuo sa kanilang samahan. walang silbi ang pagpatay sa mga tauhan nila papalitan lang nila ang mga namatay, pero kung ang matataas na bumubuo sa syndicate mismo ang uunahin ko kusang mabubuwag ang kanilang grupo. " seryosong pahayag ko
ginagawa ko na ang sinasabi mo tama ang naisip mo kailangan mo agad alamin ang bawat kasapi sakanilang samahan. lalo na ang leader at mga pinagkatiwalaan. kailangan mong mapatay ang pinuno at mga matataas na miyembro para mabagsak sila ng mabilisan." seryosong sagot ni kenzo
huminto ako sa harapan ng bahay ko bumusina ako ilang minuto ako naghintay, binuksan ni manang Betty ang gate pinasok ko ang kotse
manang pahingi muna kami ng kape." utos ko kay manang
pahingi ng baril at knife. pahiram narin ako ng kotse mo." wika ni kenzo naupo sa sofa naupo ako sa tabi nito
sa kwarto ko sa ilalim ng kama." sagot ko
Agnes ano ang gusto mong almusal bukas? magiliw na tanong ni manang Betty
huwag na ho kayo magising ng maaga nakalimutan nyo ba na graduate na ako wala na akong pasok sa school. ako nalang ang magluluto bukas, sige na magpahinga kana." nakangiting sagot ko
ay! oo nga pala nasanay na kasi akong magtanong kahit na hindi ka naman kumakain sa almusal." nakangiting sagot ni manang Betty
goodnight manang." nakangiting sagot ko
humigop ng kape si kenzo bago nagsalita
nagpauto ka naman sa asawa mo! tingnan mo nga mag asawa kayo pero hindi ka niya kilala. hanggang kilan ka magpapakatanga? paninirmon nito napakamot ako ng ulo magkaibigan din sila ni leo pero hindi alam ni leo na matalik na kaibigan ko si kenzo at ibang mafia boss
ikaw! kilan ka titigil sa pagbibilang ng babae? balik tanong ko
hanggat hindi ko natatagpuan ang babaeng pagpapatibog ng dibdib ko." tipid na sagot nito
mag ingat ka baka kasi isa na pala sa babaeng ginagawa mong palipas oras ang nakatadhana sayo." baliwalang sagot ko
arayyyyy...." daing ko binatukan ako nito napaso ang labi ko ng kape
binunot ko ang knife ko mabilis na sinunggaban ito ng saksak mabilis naman umilag si kenzo
nag umpisa kaming maghagisan ng knife sa Isa't isa. nang maubos ang knife ko binunot ko ang baril ko
agnessssss.... ang mga gamit mabasag." galit na sigaw ni manang Betty
hahaha.... sabay na tawa namen ni kenzo
hingal na naupo kami sa ibaba ng hagdan
naalala ko sa tuwing sinusubukan kong ligawan ka umuuwi akong may pasa sa pisnge." natatawang wika ni kenzo
nakakita kalang ng malaki ang dibdib naglalaway ka agad." naiinis na sagot ko
tumayo ito hinila ako paakyat sa hagdan.
sa kama ako sa sofa ka." ani nito pagpasok sa kwarto
arayyyyy bakit ba? yamot na tanong nito
bakit ka matutulog sa kwarto ko siraulo kaba? alam mong may asawa ko masama ang magiging tingin ng asawa ko pag nalaman na may kasama akong lalaki sa kwarto namen." paninirmon ko ito pagkatapos kong batukan
bakit dati naman natutulog pa nga tayo sa gitna ng gubat na magkayakap." baliwalang tanong nito
tanga ka kasi! palagi ka nalang nagpapakidnap! tapos lagi mong pinipindot ang tracking device ng relo mo kaya natataranta ako sa tuwing umiilaw ng kulay pula ang relo ko. kahit na nilalagnat ako nililigtas kita." naiinis na sagot ko
hahaha! hanggang ngayon nagtataka parin ang mga kaibigan ko kung sino daw ang mystery girl na tagapagligtas ko." natatawang sagot nito
yakapin kita matutulog kana diba? pang aasar nito nahiga sa kama ko nakaupo naman ako tinatanggal ang suot kong sandal
hindi ako nilalagnat at hindi rin ako nilalamig kaya manahimik ka kenzo." naiinis na sagot ko
sana makidnap ulit ako tapos nilalagnat ka ulit. huhubaran kita at pupunasan ko ang buong katawan mo tapos yayakapin kita." pang aasar nito
natawa ako napaka pilyo talaga ni kenzo. pero 10 years old lang ako dati ng ipakilala ako ni daddy aragon kay Kenzo at sa ibang tagapag mana ng pagiging mafia boss isa na si kenzo sa naging malapit kong kaibigan. nang sumapit ang highschool palihim niya akong nilagawan hanggang sa nalaman nito na si leo ang gusto ko, simula noon naging matalik kaming magkaibigan pero secreto nga lang. nililigtas niya ako sa tuwing nasa panganib ako ganon din ako. lihim ang pagiging magkaibigan namen.
napailing nalang ako narinig kong humihilik si kenzo tumayo ako at nagbihis ng pajamas lumabas ako ng silid naglakad ako papunta sa guestroom, pabagsak akong nahiga
kinabukasan nagising ako sa ingay ni kenzo
hayst Salamat nagising kana rin! nagugutum na ako gusto ko sabay tayo kumain bago ako umuwi." pangungulit ni kenzo bagong ligo ito suot ang damit ni leo na hindi na nagamit
tinatamad na bumangon ako naglakad ako pabalik sa kwarto ko nakasunod lang ito saakin bago ako pumasok sa banyo nakita ko ang pag kapa nito sa ilalim ng kama ko
pagkatapos kong maligo lumabas ako sa kwarto naabutan ko si kenzo na hawak ang gold rifle ko
AK27 rifle! wow saakin nalang to." magiliw na wika nito
24KT yan! 5k US dollar." baliwalang sagot ko
tara! kain na tayo tanghali na eh." reklamo nito hinila ako patungo sa kusina inilapag nito ang rifle sa dulo ng table
hmmmm! namiss ko ang luto mo." nakangiting wika ko chicken binakol ang ulam na niluto ni kenzo
inilapag ni manang ang juice na sa harapan namen
magana kaming kumain ni kenzo nakalimutan ko nang tawagan ang asawa ko
pagkatapos namen kumain nakipag kwentohan pa ako dito hapon na nang umuwi si kenzo
manang! pakikuha nga ng phone ko." kinakabahan utos ko
naupo ako sa sofa! habang malalim na nag iisip.
kailangan ko muna hintayin ang hinihingi kong detalye kay kenzo. kailangan kong kilalanin ang bawat galamay ng kalaban kailangan mag ingat ako para malaya parin ako makapag bagong buhay pagkatapos. hindi ko rin naman inaasahan na seryoso si leo sa mga binitawan niyang pangako. dati na siya nangako saakin pero walang natupad kahit isa. talagang mahal ko lang ang asawa ko. at isa pa gusto kong makuha ang anak ko ng maayos at walang gulo. alam kong hindi sisirain ng biyanan ko ang napagkasunduan namen.
tumayo ako nang makita kong pababa si manang ng hagdan may dalang bagpack ko
manang aalis na po ako huwag kang magpapasok pag may naghanap saakin sabihin mo walang nakatirang Agnes dito, sabihin mo ikaw ang may ari ng bahay." mariing wika ko kay manang habang inaabot ang bagpack at phone saakin
50missed call." sambit ko
mag ingat ka! may night glasses sa bag mo may bomba at magazine. mag iingat ka iha! sya nga pala pinaumpusahan ko na ang bahay mo sa Probinsya mga ilang buwan ang aabutin bago matapos." mahinahon paliwanag ni manang
thanks manang! huwag kang mag alinlangan magbawas sa card na binigay ko sayo. " nakangiting sagot ko sumampa ako sa motor at nilagay ang wireless earphones sa tainga ko bago ko sinuot ang helmet
kumaway pa si manang bago sinara ng gate bumusina ako bago ko pinaharorot ang motor
binaybay ko ang daan patungo sa bahay ng asawa ko. habang tinawagan ko ito
bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? nag aalalang tanong nito napangiti ako
nasaan ka? pasensya kana napasarap tulog ko eh tanghali na ako nagising." pagsisinungaling ko
may tinatago kaba saakin babe? nagdududang tanong nito
huh! ano naman ang dapat kong itago? balik tanong ko huminto ako sa kabilang kalsada ng bahay ni leo nakatanaw ako nakita ko itong may kausap na babae sa. garden
may kasama kabang babae ngayon babe? pagalit na tanong ko
w-wala! bakit mo naman naitanong? utal na sagot nito
ganon ba? akala ko kasi niloloko mo ako." mariing sagot ko
tumayo ang babae nakita ko ang pag upo nito sa kandungan ng asawa ko nanginig ang katawan ko sa galit.
nangako ako sayo diba hindi na ako mangbabae." pagsisinungaling nito habang hinahaplos ang legs ng babae
siguradohin mo lang babe! masama akong magalit! hindi mo ako kilala ng lubusan. pag ako napuno sa kasinungalingan mo may kalagayan ka." banta ko dito pinatay ko ang phone ko pinaandar ko ang motor bike ko nang mapansin kong may kalalakihan na huminto sa harapan ng bahay ni leo
huminto ako sa ilalim ng puno tanaw ko ang kotse na nakaparada sa harapan ng bahay ng asawa ko
napangisi ako nang makita kong bumunot ng baril ang apat na kalalakihan. kinuha ko ang baril sa bagpack ko inasinta ko ang ulo ng isang lalaki sunod-sunod ang pagbagsak ng apat na lalaki sa ulo ang tama nilang lahat
tanga." sambit ko muli kong binuhay ang motor ko nakalubong ko ang mga guard.
huminto ako sa labas ng gate pumarada ako sa harapan ng buko vendor hinubad ko ang helmet ko
buko juice po manong." ani ko
bayad ko po." ani ko inabot ko ang 20 piso
iha sukli mo." wika ni manong
address yan ng dragon. " tipid na wika ni manong
hindi ako sumagot sumampa ako sa motor ko sinipsip ko ang buko juice napansin ko ang sasakyan ni leo kaya mabilis kong tinapon ang hawak kong juice. sinuot ko ang helmet, binulsa ko ang papel na bigay ng espiya ko, hinayaan kong makalayo muna saakin bago ko sinundan kotse ng asawa ko
napakunot ang noo ko bakit palabas sila ng manila patungo na sa Probinsya ang binaybay na daan ng asawa ko.
huminto sa isang bahay na bungalow. napailing ako 10 pm na nang gabi. lumagpas ako huminto ako sa madilim na bahagi sinuot ko ang night glasses ko
binaybay ko ang daan patungo sa bahay na pinasukan ng asawa ko at ng kasama nitong babae
maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko habang papalapit sa bintana sa bandang sala
sabi mo papakasalan mo ako? bakit hanggang ngayon tinatago mo ako? pagalit na sigaw ng babae
binunot ni leo ang baril walang pag-aalinlangan na pinutok ito sa noo ng babae
anong akala mo tanga ako? hindi ko malalaman na espiya ka? hinding-hindi ko ipagpapalit ang asawa ko sa katulad mo." galit na wika ni leo
kinuha ang phone kinuhaan ng picture ang babae ilang sandali lang may kausap na ito
ilang pa ang ipapadala mo? nakita mo bang walang kalaban-laban ang pinapadala mo saakin? patuyang tanong ni leo sakausap sa phone
narinig kong humalakhak si leo dinampot ang galon at binuhusan ang katawan ng walang buhay na babae
malapit kanang sumama sa babaeng ito. pagnahanap ko ang kinaroroonan mo sisiguradohin kong masasayahan sa gagawin ko." wika nito habang naglalakad palabas ng bahay
nanlalaki ang mga mata ko ng ihagis nito ang bomba sa may kinaroroonan ko habang papalabas ng bahay
waaaaaahhhh...." tarantang sigaw ko tumakbo ako palapit sa asawa ko
babe! anong ginawa mo dito? gulat na tanong ni leo sabay buhat saakin tumakbo ito nakalayo na kami sa bahay bago sumabog ang bahay
bakit mo pinasabog paano kung mamatay ako? galit na tanong ko
nakahiga ako sa kalsada nakadagan saakin ang Asawa ko. umalis ito sa pagkakadagan saakin
sinusundan mo ba ako? tanong nito inalalayan ako na tumayo dinampot ko ang bagpack ko pero hinablot ito ni leo sa kamay ko
hinila ako patungo sa kotse nito
pagkalipas ng ilang sandali
ano to? bakit ganito ang laman ng bagpack mo? magtapat ka saakin Agnes? hindi kaba tumigil sa pagsasanay? sinabi ko sayo layuan mo ang lahat ng may kinalaman sa karahasan." pagalit na wika nito
a! a! e! ." sagot ko napapakamot ako ng ulo
answer me! ikaw ba ang may kagagawan sa kalalakihan kanina sa harap ng bahay ko? galit na tanong nito
anong kalalakihan? nadaanan mo ako kanina, kakain sana ako sa labas pero nang makita kita sinundan kita. yan bagpack hindi akin yan pinulopot kolang yan kanina sa lalaki na kausap ng pulis nakita ko kasing tinapon sa damohan kaya pinulot ko hindi ko naman alam kung ano ang laman niya." pagsisinungaling ko
nagsisinungaling kaba saakin Agnes? he asked
sinungaling ka bakit makasama kang babae? balik tanong ko
nakilala ko siya sa restaurant pilit na sumama saakin kaya pinagbigyan ko. alam kong espiya yon ni draco. may maliit na dragon tattoo sa leeg ang babaeng yon." paliwanag ni leo
sige! uuwi na ako naka motor ako eh." ani ko gusto kong batukan ang sarili ko bakit kasi sa pinagtaguan ko pa hinagis ang bomba nahuli tuloy ako
papakuha ko nalang yan! namimiss na kita eh! road trip tayo." malambing na wika nito sabay kabig sa batog ko siniil ako ng halik sa labi sabik na tinugon ko ang halik nito