prologue
Agnes
*
*
nasasaktan ako Leonel. " pagmamakaawa ko
pirmahan mo itong annulment. makinig ka wala kang pagsasabihan na asawa kita. lalong huwag mo akong tawagin Leonel. tawagin mo akong Sir! kung ayaw mong palayasin ko kayo ng anak mo." walang emosyong utos ni Leonel saakin habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko
pero bakit? naghintay ako sayo ng limang taon bakit bigla kang nagbago? asawa mo ako may anak tayo." umiiyak na wika ko
he's not my son." singhal nito saakin
napaupo ako sa sahig ng bitawan nito ang braso ko
katulong ka dito sa bahay huwag kang umasta na asawa kita. huwag mo akong papakialaman. maliwanag ba? malamig na utos wika nito
o-opo Sir leo " utal kong sambit
napahagolgol ako ng iyak ng iwanan ako nito sa aming silid dinampot ko ang annulment papers pinunit ko yon.
mama! bakit ka umiiyak inaaway kaba ng lalaki na bagong dating? inosenting tanong ng anak ko
may nagawa akong kasalanan kaya pinagalitan si mama. halika paliliguan na kita gusto mo bang maglakad tayo sa tabing dagat? malambing na tanong ko
mama! bakit ako pag nakagawa ng kasalanan hindi mo pinapagalitan. kinakausap mo ako sinasabi mo na mali ang ginawa ko bad ang lalaki na yon ayaw ko sakanya." galit na tugon ng anak ko
habang pinapaliguan ko ang anak ko palihim akong umiiyak . nag hintay ako ng limang taon nabuntis niya ako ng maaga 18 lang ako. iniwan niya ako at nag aral sa ibang bansa dahil sa kagustohan ng mga magulang niya. akala ko busy lang siya dahil hindi niya ako nagawang kumustahin. pagkalipas ng limang taon umuwi siyang mag kasamang babae at pinakilala na fiancee niya. ano ang gagawin ko?
apat na taon palang ang anak ko nasa college palang ako. bakit biglang nagbago nang trato nila saakin bakit?
mama are you crying ba? matinis na tanong ni Leandro
nope! anak huwag kang lalapit kay Sir leo ha. pagnaka ipon tayo ng pera aalis tayo dito gusto mo ba yon? nakangiting tanong ko
opo mama don't cry na mama." naiiyak na sagot nito niyakap ko ang anak ko sabay balot ng tuwalya sa katawan
binuhat ko ang anak ko palabas ng banyo. pagkatapos ko ito bihisan naglakad kame palabas ng kwarto namen
yumuko ako bilang pag galang kay Sir leo. matalim ako nitong tinitigan
mama! sabi mo uuwi na si papa bakit wala pa siya? tanong ng anak ko nang matapat kame sa sala kung saan nakaupo si leo at ang babae na kasama nito
tumingin ako kay leo masama ang tingin nito parang papatay kung magkamali ako ng sagot.
gusto mo ba makita ang papa mo? hayaan mo hahanap si mama ng bagong papa mo. ang papa mo kasi nasa malayong Lugar hindi na tayo babalikan. gusto mo ba nang bagong papa? malambing na tanong ko
yehey! mag kakaroon na ako ng bagong papa." tuwang sagot ng anak ko ngumisi ako kay leo nag igting ang panga nito
paparanas ko sayo ang pinaranas mo saakin. akala ko hindi mo ako kayang abandonahin pero bakit ginawa mo. tama lahat ng sinabi saakin ni kuya. sinamantala lang niya ang pagiging enosinti ko.
pagbabayaran mo ang pangloloko mo saakin. ang pag abandona mo saamin mag ina.
mananatili tayong mag asawa. ilalayo ko ang anak mo sayo. walang nakakaalam na buhay pa ang totoong ama ko. kasinungalingan ang lahat ng sinabi ni uncle saakin.
habang buhay kang nakatali saakin Leonel Aragon...