Chapter 1

1055 Words
"tita alis na po ako. " Paalis na ako para pumasok sa school, Pero nandito pa ako sa may hamba ng pinto ng bahay nag babaka sakaling abutan ako ng baon ng tiyahin ko. "Naibigay ko na ang huling pera ko kay kiran, Sumandok ka nalang ng kanin at ulam at iyon ang ibaon mo." Napa yuko lamang ako at tumango hindi rin naman ako napansin ng tita ko dahil umakyat na sya sa itaas malamang ay mag papahinga. Hindi kami mayaman ang tiyahin ko ay nag tatrabaho lamang bilang mananahi sa isang pabrika mayroon din siyang anak na si kiran dito na ako nanirahan sakanila simula ng namatay ang mama ko, Namatay siya ng isinilang niya ako sa mundong ito ang tatay ko naman ay hindi ko kilala at hindi din alam ng tiyahin ko. Kinupkop ako at pinag aral ng tiyahin ko mahirap ang buhay namin at madalas wala akong baon hindi naman na bago iyon saakin. Hindi naman niya ako anak at malaking bagay nadin na kinupkop nya ako at inalagaan. Naiintindihan ko naman na mas dapat niyang unahin ang pinsan ko kaysa saakin. Ngunit minsan talaga ay sana may magulang ako na nag aalaga saakin at naibibigay ang pangangailangan ko. Ngayon kasi ay kung hindi ako tutulong sa pag benta ng mga meryenda o anu mang ipalako ni aleng mameng ay hindi ako magkakapera o makakabili manlang ng gamit ko sa pag aaral. Graduating na ako ng Highschool mag cocollege na ako, Mabuti nalang at natanggap ako bilang scholar sa isang unibersidad. Malaking tulong ito sa pag aaral ko lalo na at makakaalis ako dito kila tiya may libre din kasing dorm ang mga scholar may allowance kami, kailangan ko lang lalo ang mag sipag sa pag aaral. Kahit na wala akong magulang at salat man sa baon nag sisipag talaga ako sa pag aaral kaya consistent honor student ako. Gusto ko kasing makapag tapos at makapag trabaho at kumita ng malaki. Gusto kong tumira sa malaking bahay at punuin ang ref ko ng mga mamahaling chocolate. Mas masarap kasi iyon kaysa sa mga tinda sa tindahan na tag piso. Hindi ko namalayan na sa dami ng tumatakbo sa isipan ko ay malapit na pala ako sa school. Pag baba ko sa tryckle ay agad akong pumasok ng gate at nag lakad patungo sa room namin. Maingay ang loob ng classroom malayo palang ay dinig na ang tawanan at asaran, alam ko na agad na wala pa ang adviser namin. Inayos ko muna ang salamin at inipit ko sa aking tainga ang takas kong buhok bahagya ko ding inayos at pnasadahan ang uniporme at palda ko. Mula kasi sa pasilyo palang ay dinig na dinig ko na ang halakhak nya, alam ko namang hindi nya ako mapapansin o papansinin pero gusto kong makita nya padin na maayos at kahit papano maganda ako. Pero kahit ako hindi din ako sigurado kung magagandahan siya saakin. Sabi nila ay napakaganda daw ng buhok ko dahil straight ito at itim na itim mahaba kasi ang buhok ko pwede nga daw ako mag modelo ng shampoo bastat wag daw akong haharap sa camera. Noong buhay pa ang lola anita ko lagi nya akong pinupuri na napakaganda ko daw na bata lalo na ang mga mata ko dahil sa kilay ko at pilikmata na mahahaba napakaamo ko daw tignan. Hiling nya nga ay sana hindi malabo ang mata ko para makita daw ang totoong ganda ko. Nag mana daw ako sa mama ko pero nuong minsan tiningnan ko ang mga litrato ni mama ay malayo ang itsura naming dalawa siguro ay sa buhok at tangkad ay namana ko hindi kasi ako katangkaran at Morena si mama ganun din sila tiya wala halos maputi saming pamilya puro kayumanggi. Ako lamang ang natatangi na maputi saamin at nangingibabaw ang kulay, siguro ay iyon ang namana ko sa aking ama sabi kasi ni tiya ay foreign daw ang ama ko at iniwan lang basta si mama nuong nabuntis. Nuong una ay akala ko hindi alam ni tiya pero nung minsan narinig ko silang nag uusap ni tiyo ay nalaman ko din at kalaunan ay sinabi nga saakin at iyon lang ang tangi nilang alam hindi nila kilala ang pangalan ni papa o ang tirahan nito dahil bigla na nga lang daw ito nag laho ng parang bula. Umupo agad ako sa aking upuan pagka pasok ko, hindi din humupa ang tawanan at asaran nila. Pasimple akong sumulyap sakaniya at bahagyang nagtagal ang tingin. Nakangisi itong nakatingin sa mga kaklase naming nag aasaran, nakita ko din ang pag dampot nya ng lukot na papel na binato sakaniya ng aming kaklase at ibinato din pabalik duon. Humalakhak siya at sa puntong iyon ay parang siya lang ang nakikita ko hindi ko napigilan ang pag silay ng ngiti sa labi ko. Ngunit nagulat ako ng bumaling sakin ang tingin nya agad napawi ang ngiti ko at ibinaling agad sa iba ang tingin pero bago ko ibaling ang tingin ay nahuli ko pa ang nakakaloko niyang ngisi, siguro dahil nahuli niya ako sa akto na nginingitian siya at malamang pinag papantasyahan! hay nako naman elyse hindi ka nag iingat. Halatang halata ka ! "hey president," dahil sa lalim ng iniisip ay hindi ko namalayan na nandito na siya sa harap ko at naka yuko habang nakahawak sa sandalan ng upuan ko bahagya nya pang inilapit ang mukha nya saakin at mariing pinag masdan ang mata ko, sa gulat ko ay nanatiling nakaawang ang labi ko. nakangisi siya habang pinag mamasdan ang mata ko o ang buong mukha ko ng dumako ang mata nya sa labi ko ay nag iwas sya ng tingin tumikhim din siya at tumuwid ng tayo. Inilagay lamang nya ang kamay sa bulsa ng kanyang slacks at ngumiti lang saakin ng nakakaloko. "b-bakit?" Bahagya pa akong nautal sa pag sagot sakaniya hindi ko makayanan na nandito siya sa harap ko malakas ang t***k ng puso ko hindi ko alam kung na eexcite ako halo halo ang nararamdaman ko lalo na ngayong napansin nya ako. "I caught you smiling at me," uminit ang pisngi ko at bahagyang yumuko. tumikhim lang ako at muling nag angat ng tingin sakaniya. "hindi may naalala lang," pag tanggi ko at umiwas ng tingin, hindi ko yata kayang makipag titigan sakaniya. "Is that so" he playfully said.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD