RING NG cellphone ang gumising sa kanya. When he saw the riot of curls, memories of the night came back to him. Napapikit siya. Hindi siya lasing kagabi kaya wala siyang excuse kung bakit humantong sila sa kama ni Jan. Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap ng babae. When he finally extricated himself from her, he grabbed his phone. Si Yvonne. Parang biglang nangalay ang batok niya. Tumayo siya para isuot ang robe at pagkatapos ay lumabas sa terrace. "Yvonne." "It's today, isn't it? Gaano katagal mong kailangan pakisamahan ang babaeng 'yan?" "Nag-usap na tayo, hindi ba? At least one year to make it more believable. Yes, ngayon ang election." "Masyadong matagal ang isang taon, Max. Gumaganti ka ba sa akin?" Hindi siya nakakibo. In a way, tama si Yvonne. "It's not my fault things h