TUNOG NG alarm ang gumising kay Jan Marie. Alas sais pa lang ng umaga at sumisilip pa lang ang araw. Ganoon pa man ay bumangon na siya. She yawned and strecthed as far as her body permitted her. Gusto sana niyang mag-inat pero umiiwas siya sa cramps. Paglabas niya ng banyo pagkatapos maligo ay nagtaka siya. Normally ay tulog pa ang Ate niya sa ganitong oras dahil tanghali na ito kung kailanganin sa trabaho. Pero bakit naririnig niya ang nag-uutos na boses ng kapatid? Curious, she went into the balcony. Ganoon na lang ang gulat niya nang makitang nagbubungkal si Maxwell ng lupa sa garden. Her sister had her hands on her hips, directing him. Tatawagin na sana niya si Rebecca para magtanong kung anong pinagagawa nito sa lalaki pero natigilan siya nang tumayo si Maxwell. Walang sabi-sabing