Ivy's POV Napatili si Anna sa naikwento ko sa kaniya, sabay takip naman nito sa kaniyang bibig. "Teka! Bakit ba ako kinikilig? Dapat hindi ako kiligin sa inyong dalawa. Demonyo talaga 'yang lalaking 'yan ha! Ang kapal ng mukha, sabihing makipagtalik ka sa kaniya para makita at mabawi mo si Candy." halos hindi na alam ni Anna kung saan siya uupo para lang marinig niya ang kinu-kwento ko sa kaniya. "Eh, ano? Pumayag ka ba?" nakangiwing tanong niya. "let's make a deal... have s*x with me and I will bring our daughter back to you." Kumunot ang noo ko sa kondisyon niya. Habang ang mga mata niya ay lumilikot sa kabuuan ko. Napagmasdan ko ang kaniyang mukha sa malapitan. Napalunok ako. Sadyang ipinanganak siyang perpekto ng kaniyang mga magulang dahil sa mga mata niyang mangungusap k