Ivy's POV Habang ginagalaw ko ang aking katawan. Mas lalong naghiyawan ang mga kalalakihan dahil umikot ako sa pole at doon sumayaw ng nakakaakit. Hindi ko nga alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na gawin ito. Siguro dahil mahilig din naman ako sa disco. Sa tuwing piesta sa amin ay hindi kami nawawala sa disco. Kami ng mga kaibigan ko. Kaya sanay ako sa pagsasayaw. Pero hindi ko akalaing magagamit ko pala ang pagsasayaw sa trabahong ito. Mas lalo lang akong kamumuhian at pandidirihan ni Kysler kapag nalaman niyang dito ako nagtatrabaho. Wala akong pakialam sa sasabihin niya, o ng ibang mga tao. Ang alam ko lang at iniisip ngayon ay kung paano makaipon ng sapat na pera. Inikot ko ang aking mga binti at pinulupot sa pole. Naghiyawan na naman ang mga lalaking hayok na hayo