bc

(Filipino) My runaway bride

book_age16+
1.7K
FOLLOW
15.8K
READ
possessive
contract marriage
love after marriage
fated
arranged marriage
drama
bxg
humorous
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Gianne loathes the idea of marrying for the sake of business. So when her wedding day comes, she ran away. She promised not to ever marry anyone she barely knows just coz her parents said so. But when she arrived at the island, she was met by a group of strangers who claim to be her friends. Despite her explanations, they didn't believe her. They dragged her towards a church!!. She was confused. In the altar, waits a man she has nver seen before. Not only is the man unfamiliar, everyone inside the chapel is unfamiliar!! What the helling is happening? Who are these people? She just ran away and now she's getting married?? What a twist of event. What will happen to Gianne? What will she do? Who is the man in the altar? And why is he so 'laxed about all this? Will she be able to run away for the second time?

chap-preview
Free preview
One
           Hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang tinakbo ko just to get away from everyone that's chasing me. I've done crazy s**t in my life but this is the most insane one so far. I asked my brother's help and gladly he helped me with open arms. Ayaw niya din sa sitwasyon ko. Ayaw man niyang suwayin ang utos ng aming mga magulang ay mas ayaw naman niya na matali ako sa isang relasyon na walang pagmamahal.            I know I was a pain in the ass. I grew up rebellious. Hindi ako sumusunod sa mga magulang ko pero hindi ko lubos maisip kung paano nila nasikmurang ipakasal ako sa taong hindi ko kilala and most importantly, Hindi ko mahal. I remember our conversation bago ang araw na toh. I thought I wasn't talking to my parents that time.             "You'll marry him, either you like it or not." matigas na wika ni daddy ng nagharap kami pagkatapos naming makipag-dinner sa pamilya ng lalaking sinasabi nilang papakasalan ko daw.             "Tell me this is a joke." natatawa kong tanong sa kanila.             Nakita ko ang pag-iling ni mommy. Sa seryoso nitong mukha, imposibleng biro lang ito lahat. "This is the only way para magtino ka. Gerald's a nice guy. He will take care of you. You'll learn to love him."             "Really? Kailan pa natututunan ang magmahal? Dapat sinabi niyo para pinag-aralan ko sana nung kolehiyo."             "Wag mo kaming pinipilo--"             "I'm not marrying anyone. Marriage is sacred. Paano ako haharap sa altar kasama ang isang taong wala nga akong alam kung anong klaseng tao siya."             "That's not important. Papakasalanan mo siya. That's final."             And yes, they really did want me to marry that guy but of course hindi ako pumayag. Kaya nga ako andito ngayon sa isang resort na hindi ko na alam kung saang bahagi ng pilipinas habang suot pa rin ang wedding gown ko. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala na akong pakialam. My brother handed me a new cellphone bago ako umalis. Doon na lang daw kami magtawagan para kung sakali mang may kailangan ako ay sa kanya na lang ako humingi ng tulong.              I know Gio has his own life. He has a wife and a child kaya nakakahiya ring lumapit sa kanya. Ayokong madamay pa sila sa gulo ko. I can take care of my self plus I already said my plans sa pinaka-close kong mga kaibigan. I already called them para sabihin kung nasaan ako. Any minutes from now, kukunin nila ako dito. That's for sure.              Umupo ako sa buhanginan para sana ipahinga na muna ang namumumula't sugat-sugat ko ng mga paa dahil sa kakatakbo ng bigla na lang may humatak sa isa kong kamay patayo. Napakunot-noo ako habang nakatingin dito.              "Andito ka lang pala!!! Kanina ka pa namin hinahanap!!! Ilang minuto na lang, magsisimula na ang event. Ano bang problema mo? Let's go!!" anang babae na halatang tarantang taranta na.              Binawi ko mula sa pagkakahawak niya ang kamay ko. "Excuse me miss pero nagkakamali ka ata. I.... Don't know you."              "Oh come on!!! Huli na para mag-back out. Nandito na tayo. Kailangan na natin umalis dito." hinawakan na naman niya ang kamay ko saka ako hinatak. Pilit kong binawi ang mga kamay ko sa kanya. What the hell is wrong with her? Do I know her? Saka anong mag-back out? Anong event? Wala akong ideya sa mga sinasabi niya. All I know is I'm here para takasan ang isang bagay na maaaring makasira ng buhay ko.             "Miss I'm really sorry but I don't know you and I don't know why the hell you're dragging me." inis kong wika dito.             Imbes na tigilan ako ay tinawanan pa ako nito. "Saan mo naman natutunan yang mga english english mo na yan gaga? Pwede ba? Alam kong pangarap mong maging artista but hindi panahon ngayon sa mga pag-arte mo." aniya pa.              Mas lalo akong nagulat ng mula sa di kalayuan ay lumapit sa amin ang dalawang lalaking naka-tuxido. I don't know if I'm dreaming o baka nasa gag show ako pero litong-lito na talaga ako sa nangyayari. Why are they dragging me all of a sudden? Ano ba toh? Bakit parang kilala nila ako pero hindi ko naman sila kilala? Saka nasaan na ba ang mga kaibigan ko??? Dapat andito na sila ngayon at kinukuha na ako mula sa mga baliw na toh!              "Fix yourself Siara." anang isang babae pa.              I raised my eyebrow. "Siara? My name's not Siara. I'm Gianne!!! Ano ba toh??? Gag show ba toh? Kasi hindi na nakakatawa. See? I'm really not in the mood for pranks right now. Kakagaling ko lang ng impyerno kaya kung ayaw niyong isakripisyo ko kayo kay satanas, tigil-tigilan niyo ako." hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko. Kaloka. Hindi ko alam kung anong mga trip ng mga toh. Tawagin ba naman akong Siara? Who the hell is that Siara anyway at ako pa ang napuperwisyo dahil sa kanya?               "Siara, ilang beses mo na kaming dinadaan-daan diyan sa pag-arte mo. Hindi mo na kami mapapaniwala diyan ngayon. Andito na tayo so face it. Today is your wedding. Mapapatay kami ng lalaking naghihintay sayo ngayon sa alta--"               "E-excuse me, what do you mean wedding?" yung kaninang kaba ko ay tila bumalik. Mga alalay ba ito ni mommy? Natunton kaya nila ako at naisipan na dito na lang i-held ang wedding??? No f*****g way. Hindi pwede. Pilit kong kumawala pero mas lalo lang hinigpitan ng babae ang hawak niya sa akin.               She rolled her eyes. "Your wedding. I know hindi mo gusto toh. Wala namang may gusto nito eh pero ikaw mismo ang pumasok sa bagay na toh. Ikaw ang nagdala sa amin sa sitwasyon na toh kaya wag mo na kami pahirapan. Mapapahamak pa kami dahil sayo eh!"               Mas lalo akong naguluhan. This Siara girl... Matagal na nilang kilala toh and napagkamalan nilang ako ay siya?? Seriously? Hindi man lang ba nila nakikita ang difference? Tingin talaga nila ako si Siara? Mga ano ba niya toh? Kaibigan? Matatawag ba niya talagang mga kaibigan ang mga taong toh gayung mukhang hindi naman ata siya lubusang kilala ng mga toh. For f**k's sake.               "I don't want to disappoint you Miss, but I'm not Siara. I am Gianne. Gianne Emilia Herrera. I'm not your friend, okey? I'm so lost right now. I don't care kung anong napag-usapan niyo ng kaibigan niyo dahil hindi naman ako involve dito. Try contacting your friend para i-confirm." malumanay kong wika para itatak sa kokote niyang nakuha niya ang maling babae.               "That's impossible. Stop playing around, Siara. Paano mo mapapaliwanag yang suot-suot mong wedding gown kung di nga ikaw si Siara? Trip lang? Saka sana nag-prosthetics ka man lang para itago yang mukha mo. I-push mo pa Siara."               Oh god. Bakit ba ang tigas ng ulo niya?? "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para patunayan na hindi ako si Siara?? Hindi ako si Siarra. I swear to God, Im not lying about my identity. Gusto ko sanang i-advice sayo na itanong mo sa mga police pero siguradong hinahanap rin nila ako ngayon kasama ang mga magulang ko so don't."               Napakamot siya ng ulo. "Basta. Tayo na. Ilang minuto na lang dapat andun ka na."               At ayun! Hinila na naman nila ako habang pinipilit kong makaalis sa mga mga grip nila. They're abducting me! Dapat tinutulungan nila ako pero yung mga bwesit na tao, nakatingin lang habang sigaw ako ng sigaw.               Dinala nila ako sa isang maliit na chaoel sa loob ng resort. Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko. May trauma na ako sa mga ganitong lugar eh. Ang insensitive nila para dalhin ako dito. Bwesit. Nasaan na ba kasi yang Siara na yan??? Dapat andito na yun eh para makaalis na ako.               "Calm down, Siara!!! Nasa loob na siya. Fix yourself."               "Hindi nga ako si Siara!!! Bakit ba ang tigas ng ulo niyo!!" inis na sigaw ko sa mga ito.               "Malumanay ka na lang na pumasok sa loob kung ayaw mong gumawa ng eksena. There are medias all over the place."               Napatigil ako sa pagwawala ko dahil sa sinabi niya. Ano daw? "Media??? Bakit naman may media??" litong lito kong tanong.               Nag-roll eyes na naman yung babaeng nakausap ko kanina. "Natural! Anak ng presidente ang papakasalan mo! Malamang mame-media ka! Just go! Nasa loob na lahat. Please don't make a scene, Siara."               Mababaliw na ako. Hindi ma-process ng utak ko ang lahat ng naririnig mula sa kanila. Siara daw ang pangalan ko tapos ikakasal ako sa anak ng presidente. Tinusok-tusok ko ang mukha ko, halos bugbugin ko na ang sarili para lang gisingin ako sa nightmare na ito pero damn! This is reality. How can I escape reality?              Maglalakad na sana ako ulit paalis pero hinila na naman nila ako. Binuksan ng isang lalaki ang pinto ng chapel saka tinulak ako papasok sa loob. Nanlaki talaga ang mata ko sa ginawa nila. Nakatingin na sa akin lahat ng tao. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nakatapat sa akin ang mga nagniningningang ilaw ng kamera na nasa harapan ko. Kung kanina lang sa kasal ko ay walang pag-aalinlangan akong tumakbo, ngayon tila na-statwa ako sa kinatatayuan.              "Walk, Siara." bulong nung babae sa likod ko. Para akong naka-remote control at sinunod na lang ang sinabi nito. Dahan dahan akong naglakad papunta sa harap ng altar habang nakatingin sa akin ang lahat. Fck. Ano ba tong napasukan ko??              "You're like five minutes late. Akala ko hindi ka na darating. Seriously, woman?" bulong ng isang lalaking ngayon ay hawak ang isa kong kamay. I don't even know him. The hell.              "I'm sorry but I'm not Siara. Gusto ko lang umalis dito. Hindi ako yung babaeng papakasalan mo." wika ko.              Anong klaseng groom ba siya at hindi man lang niya ata kilala ang bride niya? Napatawa ako sa sarili ko. That's exactly the reason nga diba kung bakit di ka nagpakasal? Maybe this wedding is fixed too. Sa mga sinabi ng babae kanina, obviously this is fixed marriage.             "Nagbibiro ka ba?" tanong niya.             "I'm not. So now please, hayaan niyo na akong umalis. My friends are waiting for me. My brother's probably waiting for my call and my parents.... They're obviously searching the entire philippines looking for me. Kakaalis ko lang sa isang trouble. I don't want another trouble lalo na kung tungkol na naman ito sa kasal." madiin kong wika.             Sandali siyang napahinto saka pinagmasdan ang mukha ko. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti.             "Masyado ng huli ang lahat para mag-back out. Nandito na tayo. Hindi pwedeng ipahiya ko ang sarili ko sa harap ng mga taong andito." seryoso niyang wika.              I sighed. "This is funny. This s**t is funny. Really." natatawa kong wika.              "Babayaran naman kita pagkatapos nito. Just go with the flow."              "I don't need your money. I just want to go. Male-late na ako sa flight ko. I really have to go. Naiintindihan mo ba?"              "Chill... because starting today, you're my wife."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Contract - Tagalog

read
754.8K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

The Ex-wife

read
211.9K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.5K
bc

Married By Mistake

read
171.2K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.4K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
455.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook