"Sad to say — I'm sorry! We did everything but the baby did not survive," doctor said. "How's the mother, doctor?" malungkot niyang tanong. "Stable na ang kaniyang kalagayan, pero hindi pa niya alam na wala na ang inyong anak. Dahan-dahanin mo na lang sa pagsabi para hindi mabibigla," pahayag nito at pagkatapos ay umalis na ang doctor. Sobrang nasaktan si Marshall, dahil pitong buwan niyang inalagaan ang mag-ina lalo na ang sanggol. Nailipat si Isy sa pribadong kuwarto at siya naman ay nasa gilid ng pasyente at malungkot niyang pinagmasdan ang walang malay na si Isy. "Ummm ... ummm ..." mga daing ni Isy nang magkamalay siya. "Isy?" hinawakan niya ang mukha nito. "Marshall, kumusta ang aking anak?" pabulong niyang tanong. Matagal bago nakasagot si Marshall, dahil iniisip pa ni