"Mahal rin kita, pero natatakot ako na baka bigla kang magbago at mawala sa akin," wika nito. Ngumiti si Marshall sa sobrang saya sapagkat narinig niya ang sagot nito. "Patutunayan ko sa'yo Isy, na kahit kailan ay hindi ako magbabago sa'yo. Mamahalin kita habang buhay. Ikaw lang ang gusto kong makasama sa aking pagtanda," pahayag niya at agad itong niyakap. "Salamat Marshall, lagi ko 'yang tatandaan," sabi niya at tumugon rin sa pagyakap. "Mahal na mahal kita, Isy!" turan niya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito at tinitigan ang mga mata. "Mahal rin kita, Marshall," tugon niya. Dahan-dahang inangkin ni Marshall ang labi ni Isy at napapikit naman ang dalagita. Sa simula ay hindi siya tumugon ngunit kalaunan ay gumanti na rin ito. Nagpalit-palitan sila ng mga halik at ang bawa