Chapter 3

1100 Words
"Tubig... tubig..." boses ni Isy. Agad huminto si Marshall at binuksan niya ang pinto sa likod inalalayan niya ito sa pag-upo at inabutan niya ng tubig. "Here!" turan ni Marshall at siya pa ang humawak sa bote ng tubig. "How's your feelings now?" "Okay na ako salamat. Sino kayo? Nasaan ako?" mga tanong niya sa lalaki. "Ako si Marshall. Nakita kitang hinihimatay sa tabi ng kalsada kaya nagmamagandang loob na akong tulungan kang madala sa hospital." "Huwag mo na akong dalhin sa hospital wala akong pambayad," diretsahang tugon ni Isy. "Pero sigurado kang okay ka na?" "Opo!" "Saan ka ba nakatira? Para maihatid kita." Pagmamagandang loob ni Marshall. "Wala na akong uuwian. Ibaba mo na lang ako dito," malungkot na saad niya. "Hindi kita puwedeng ibaba na lang kung saan-saan baka mapahamak ka pa," pag-alala niya rito. "Napahamak na ako dahil sa katangahan ko kaya pinalayas nila ako." Hindi mapigilan ni Isy ang mapahagulgol dahil naalala niya ang lahat-lahat. "What do you mean?" nalilitong tanong ni Marshall sa kaniya. "Buntis kasi ako at hindi matanggap ng aking pamilya, tinalikuran rin ako ng lalaking nakabuntis sa akin," kuwento niya kay Marshall. "What?!" Gulat ang nagiging reaksyon nito at biglang naapakan ang preno. Muli siyang napahinto sa gitna ng kalsada at lumingon siya sa dalagita. "Ilang taon ka na ba?" "Katorse. Mag-fifteen sa susunod na taon." "My God! Anong year ka na ba?" Halos hindi makapaniwala si Marshall sa kaniyang narinig. "Second year high school. Kasalanan ko ang lahat at hindi ko masisisi ang aking mga magulang dahil binigyan ko sila ng isang malaking kahihiyaan. Kasalanan ko dahil nagpadala ako sa tukso. Nagpadala ako sa isang pangakong kasinungalingan," wika ni Isy habang nagpatuloy sa pag-iiyak. "Pero dapat inunawa at sinoportahan ka ng iyong mga magulang. Saan ba ang sa inyo at kausapin ko ang iyong mga magulang," tanong niya rito. "Huwag na madadamay ka ka lang, dito na lang ako," tugon ni Isy sabay bukas niya sa pinto upang makababa ng sasakyan. Subalit maagap na nakababa si Marshall at pinigilan ang kaniyang paglabas. "Hindi kita puwedeng iwan dito, baka ano pa ang mangyari sa 'yo. Baka maisipan mo pang magpakamatay doon ka na lang muna sa aking Condo," pahayag niya, dahil hindi maatim ng kaniyang konsensiya kung may mangyaring masama rito. "P-pero nakakahiya po sa 'yo." "Sa ngayon huwag mo munang isipin iyan." Isinama nga niya si Isy sa kaniyang condo at hindi na umayaw ang dalagita. Taga-Cordillera si Marshall at sa 'University of the Philippines Diliman' ito nag-aaral bilang isang medicine doctor. Nasa third-year college na siya sa edad na beinte. Mayaman ang pamilya niya at nag-iisang anak lang ito. Lumaki siya sa tamang pagdisiplina sa kaniyang mga magulang kaya marunong itong gumalang sa kapwa at lalo na sa babae. "Ano pala ang pangalan mo?" tanong ni Marshall sa kaniya. "Daisy, pero Isy ang aking palayaw," tugon niya rito. "Ilang buwan na ba iyang pinagbubuntis mo?" "Isang buwan pa lang." "I see. Nice too meet you. By the way, I'm Marshall Gomez." "Salamat po sa pagtulong sa akin, kahit hindi mo ako kilala." madamdaming niyang sabi rito. Hanggang sa makarating sila sa condo ni Marsall at umakyat sila sa ikalawang palapag. "Ito ang magiging kuwarto mo, " turan niya rito. "Salamat!" tugon niya sa mahinang boses. Malaki ang kuwarto at talagang pangmayaman ito,maganda ang loob, at kaaya-ayang tingnan. "Feel at home, okay?" "Salamat talaga, Marshall," malungkot na saad ni Isy at umupo ito sa malambot na kama at yumuko ito kasabay sa pagpatak ng kaniyang mga luha. INIWAN ni Marshall si Isy sa loob ng kuwarto at agad nagtungo sa kusina para makapagluto ng hapunan dahil nakita niya sa dalagita na gutom ito. Sa isip naman ni Isy ay kailangan niyang matutunan kung ano ang mga gawain sa condo para kahit sa ganoong paraan ay masuklian man lang niya ang ginawang kabutihan ni Marshall sa kaniya. "Ayaw ko nang umiyak kailangan kong lakasan ang aking loob para sa aking magiging anak. Nadapa man ako pero hindi pa huli ang lahat, gusto kong bumangon muli dahil gusto kong umuwi sa amin na kaya akong ipagmalaki ng aking mga magulang at matanggap nila akong muli," saad ni Daisy sa kaniyang sarili. "Isy?" sambit ni Marshall mula sa labas ng pinto. "Po?" "Labas ka muna, nakahanda na ang hapunan," malumanay na sabi niya. "Halika na," dagdag pa niya. "Opo," tugon niya at tumayo na ito para lumabas. Kahit sakaniyang pag-upo ay inalalayan pa rin siya nito. "Salamat po." "Ito, kanin." Inabot niya kay Marshall ang lalagyan ng kanin. "Thank you!" Sabay kuha niya sa lalagyan at una niyang nilagyan ang plato ni Isy. "Salamat po." Medyo nahihiya si Isy sa pag-aasikaso ni Marshall sa kaniya. "Dapat kumain ka nang mabuti para laging malusog ang baby mo," pahayag nito sa kaniya at nakangiti ito. "Mabuti pa ang ibang tao ay nagmamalasakit sa aking magiging anak samantala ang aking pamilya at ang ma ng aking anak ay tinalikuran nila ako," bulong ng isip ni Isy. Nagsimulang mamula ang mga mata niya ngunit pilit niyang pinigilan ang kaniyang mga luha. Napansin naman ito ni Marshall. "Alam mo bang nakakasama sa iyong baby ang pagiging malungkutin ng isang ina?" parinig niya kay Isy. "Pasensiya na, naalala ko lang ang aking pamilya at ang ama ng aking anak lahat sila ay tinalikuran ako. Pero ikaw na hindi ako kakilala ay nagmalasakit sa aking pagbubuntis." Dahil sa kaniyang mga sinasabi ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. "Hayaan mo balang araw ay matanggap ka rin nilang muli at sa ngayon ay sarili mo muna ang isipin mo at iyang magiging anak mo." "Salamat Marshall, sa pagpapalakas mo sa aking loob, pakatandaan ko ang mga paalala mo sa akin," saad niya. At ginantihan naman siya ng ngiti ni Marshall. "Sige, kain ka na," Marshall said. Pagkatapos nilang kumain ay si Isy na ang nagpresenta para magligpit at maghugas subalit inaayawan ito ni Marshall sapagkat para sa kaniya ay bisita siya. Subalit namimiltlit si Isy kaya pinagbigyan na lang niya ito. "Dito muna tayo," paanyaya ni Marshall sa sofa, pagkatapos nilang mag-ayos sa kusina. "Sige, susunod ako at may kukunin lang ako saglit sa kuwarto." Pumasok siya sa kuwarto para kunin kunin ang kaniyang kakarampot na pera at agad rin siyang bumalik sa labas. "Marshall, ito pala konting halaga para pandagdag sa pagkain natin," pahayag niya sabay abot sa pera. Ngumiti si Marshal. "Itabi mo na lang 'yan, may pera pa naman ako," tugon nito. "Pero nakakahiya naman kasi," aniya, at yumuko siya. "Huwag mo ng isipin iyan," turan niya at bahagyang humiga sa upuan sabay panood ng telebisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD