Halos hindi lubos maisip ni Isy na sa isang iglap ay mayroon na silang sariling bahay. Hindi lang simpleng bahay, kun'di nabibilang sa matawag na mayaman. Dahil sa tanto niya ay nagkakahalaga ang bahay ng limang milyon o mas mataas pa. "Mag-arkila na lang tayo ng mga tao para hahakot sa inyong mga gamit," sabi ng kanilang ama. "Sige, Dad. Bukas pagkagaling ko ng trabaho ay hahanap ako ng mga tao." Hanggang sa makauwi na sila sa condo at kasalukuyang nagbibihis si Isy, dahil may pasok pa siya. "Babe, ano ang plano mo dito sa condo?" tanong ni Isy. "Ibibinta na lang natin ito, babe." "Sayang naman, babe. Ang dami nating magagandang alaala dito," malungkot niyang tugon. "Oo nga, babe. Pero hayaan mo na at doon na lang sa bago nating bahay ay bubuo tayong muli. Mas magagandang alaala p