"Thank you," nakangiti niyang sabi. "Welcome!" tugon niya sabay kurot nito sa mala-bolang mukha ni Daisy. Nang matapos siyang magamot ay nagpaalam na itong matulog muna dahil nakaramdam siya ng antok. At ganoon rin si Marshall, pumasok rin siya sa kuwarto para magpahinga. Nagulat naman siya nang makita niya ang kama dahil may bihisan at tuwalya na itong nakahanda. "PERFECT WOMAN!" he whispered. Dahil lahat nang nakikita niya kay Isy at ang mga gawa nito ay puro kaaya-aya at wala siyang pinagsisihan sa pagtulong niya sa dalagita. Infact, sobra siyang masaya sapagkat may kasama na siya sa condo at nakakasundo rin niya ito. Kinabukasan ay walang pasok si Marshall, dahil araw ng Sabado hindi naman niya alam na dadalawin siya ng kaniyang nobya. Tumunog ang doorbell at dali-dali namang lu