Habang naglalakad kami sa pasilyo ay nakahinga ako nang makita kong tahimik ang lugar at walang mga taong nagpakalat-kalat sa paligid. Ngunit nang makalabas na kami sa hotel ay doon na nagsimula ang nakakailang na pakiramdam. "Wala ba talagang pakialaman ang mga tao rito?" nagtataka kong tanong at hindi ko maiwasang ikunot ang noo nang makita kong may nagmomol sa kung saan-saan mang parte ng resort. Tumango si Sonya sa akin. "Isa 'to sa dahilan kung bakit ang daming nagpaparehistro sa lugar kahit napakamahal ng bayad. Lahat ng nangyayari rito ay mananatiling dito lang, kaya mas safe tayo sa eskandalo," pagwawari niya. "Gutom na ako, ro'n tayo." Turo niya sa nag-iisang restaurant sa buong resort. Nagpahila na lang ako sa kaniya patungo ro'n nang hawakan niya ako sa aking kamay. Sa