Pagkapasok ko sa loob ng room namin ni Kent ay malinis na ang buong paligid. Wala ng mga boteng nakakalat sa sahig at mga sigarilyo. Nakahinga ako nang maluwang dahil ang kalinisan ng paligid ay isang palatandaan na wala pang ibang nakakapasok sa loob maliban sa akin. Nagkakagulo lang naman ang buong sa tuwing pumapasyal ang mga kaibigan niya. Na walang ibang ginawa kundi mag-inuman at magkwentuhan. Wala ng ibang maisip na gawin kundi ang maglasing at pag-usapan ang mga babaeng nakakama nila. Wala rin nilang sawang pinupuri kung gaano ang mga ito kagaling sa kama. Dumiretso na ako sa loob ng kwarto upang makapagpahinga na sana ngunit ang inaalala ko ay baka mapupuyat na naman ako mamaya. Kung bibisitahin kami ng mga kaibigan ni Kent ngayong araw na 'to ay nasisiguro kong wala