Kabanata 8 - Simula

1724 Words
Kabanata 8 - Simula Skip Tilt Kasalukuyan kaming nagtitipon sa hall kung saan mga piling tao lamang ang nakapapasok. Ang buong Army ay nandito kasama sina Mr. Sato, Carl at Pan. "Gusto ko na kayong deretsuhin. Dumarami na ang biktima ni Sitan lalo na sa Universe. Bilang na lang ang nakaliligtas sa mga ito. Kapag hindi pa kayo nagmadali sa pag-eensayo ay mahuhuli tayo ng dating at lahat ng tao roon ay mabibiktima na," sabi ni Mr. Sato. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Bilang leader ng Army, gagawan ko na ito ng aksyon. Kailangan na rin magsimulang maglakbay nina Kookie. Mas maaga, mas maganda. Alexis, kailangan mong ipagpatuloy ang pag-eensayo kay Pepper. Alex at Kyle, kayong dalawa ang mag-ensayo kay V at ikaw naman Steve ang kay Spice. Kasama ang mga warriors nila, tutulungan ninyo sila. Ako na ang bahala kay Kookie," sabi ko. "Tama si Skip, kailangan matapos ang pag-eensayo sa lalong madaling panahon. Pan at Carl, sumama kayo sa 'kin." Kasabay naman niyon ay ang pag-alis nila. Naglakad na rin kami pabalik para makapagsimula na sa pag-eensayo. Hindi na namin idadamay sa gulo na ito ang mga anak ng diyos dahil marami na ang bumabagabag sa loob nila. Alam kong gagawan na ng paraan iyon nina Mr. Sato, Pan at Carl. Pagdating namin sa gubat ay tiningnan ko agad siya nang seryoso. Ganoon din ang ginawa ni Nakago kaya nakita ko ang takot sa mga mata niya. May sinabi sa kaniya si Nakago na hindi ko narinig pero nakita ko siyang hinawakan ang tainga at pumikit. Hindi ko man maintindihan ay sumugod kaagad ako sa kaniya pero laking gulat ko nang mapigilan niya iyon. Lumayo ako agad sa kaniya at inatake sa likod kaya sinundan niya ako. Hindi niya napansin na nakalusot si Nakago sa likod niya kaya naman nagkaroon siya ng tama sa likuran. Hindi niya iyon ininda bagkus ay pinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa amin. Nakagugulat ang pagpapalit niya ng kaniyang emosyon. Wala nang bakas ng takot sa mata niya at hindi ko na rin mabasa ang umiikot sa isip niya. Kung noon ay napaka-transparent niya, ngayon ay hindi ko na kilala kung sino ang kaharap ko. Mukhang hindi na rin nagulat si Nakago sa naging pagbabago ni Kookie. Pinagpatuloy lang namin ang laban kahit na nagkaro'n na kami pare-pareho ng mga sugat sa iba't ibang parte ng katawan. "Kung hindi mo kayang kontrolin ang laban sa pagitan ninyo ni Nakago, hinding-hindi mo siya makakayang gamitin bilang sandata mo," sabi ko. Marami pa kayong malalaman at makakatulong ang paglalakbay ninyo, Kookie. "SIYA ANG MAKAKATULONG sa 'tin upang malaman ang hinaharap. Matagal na siyang namamalagi sa kabilang parte ng Kampo Bathala at ngayon ko pa lang siya inimbitahan," sabi ni Mr. Sato kina Carl at Pan. Hindi sila makapaniwala na isang babae ang makatutulong na hanapin ang nawawalang gem. "Hello, my name is Chanel Leanne Rodriquez pero Chanel na lang ang itawag ninyo sa 'kin. Isa akong mind reader!" masigla bati nito sa kanila. Nagpakilala rin ang dalawa at nagtungo sa upuan upang mag-usap-usap. "Nawawala ang Hiyas na kailangang madala ng mga demigods sa mga magulang nila. Sa tingin ko ay plano ng kung sino man na dalhin ito kay Sitan dahil maaari itong maging paraan para mabuhay siya at magkaroon ng sariling katawan," sabi ni Mr. Sato. "So, Ms. Chanel, maaari mo bang matukoy kung sino ang kumuha niyon at ituro sa amin?" magalang na tanong ni Carl. Aware siya na isa itong anak ng diyosa gaya nina Kookie at ito ay naninirahan sa kagubatan. "Alam ninyo naman na hindi ko kayang basahin ang laman ng isip ng tao kapag hindi ko siya nakikita, hindi ba?" tanong ni Chanel sabay pout. Para itong bata kumpara sa edad nito na isang taon lamang ang agwat kina Kookie. "Ganoon ba? Huwag ka mag-alala dahil ihaharap ka rin namin sa kanilang lahat. Gusto lang naming malaman kung ano ang magiging kabayaran ng gagawin mo," sabi nito. Napaisip naman si Chanel. Wala talaga itong balak na hingin pero may naalala siyang sinabi ni Mr. Sato kanina. "Hindi ba binanggit ninyo na pupunta ang mga demigods sa kanilang mga magulang?" tanong nito. Nagkatinginan naman sina Mr. Sato at Carl na parang alam na ang hihinging kabayaran nito. "Gusto ko ring sumama sa kanila, gusto ko silang tulungan!" masayang sabi nito. "P-Pero mapanganib ang gagawin mo, Ms. Chanel. Para sa isang diyosa na gaya mo ay magiging mapanganib kapag iniwan mo ang gubat," sabi nito. May dinukot naman na kung anong bagay si Chanel sa kaniyang bulsa upang ipakita sa kanila. "Isa itong bato na naglalabas ng mahika. Ito ang ginawa sa 'kin ni ina dahil alam niyang hindi niya ako mapipigilan sa gusto ko. Matutulungan ako nito sa paglalakbay. Para itong mga Celestial warrior na gaya n'ong sa kanila ngunit hindi ito nagiging tao," sabi niya. Nakatingin lang sila sa kaniya na may paghanga sa mukha. Tila alam ng dalaga na wala silang ibang magagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nito. "So, ano? Papayag na ba kayo?" tanong nito. Nag-puppy eyes pa ito sa kanila kaya naman wala na silang nagawa. Pumayag na rin si Mr. Sato lalo na sa kakulitan nito. Alam naman niyang wala silang magagawa dahil hindi naman ito tiyak papayag na basahin ang utak ng mga kasama kung hindi siya pasasamahin. Habang si Pepper, Taka at Alexis naman ay patuloy sa pag-eensayo. Hindi na rin sagabal ang emosyon ni Pepper sa kaniyang pagsasanay ngunit may dinadaing ito sa tuwing tatamaan ang kaniyang braso. Hindi maiwasan ni Taka na mag-alala. "Ayos ka lang ba talaga, Pepper? Pwede naman tayong magpahinga saglit," tanong ni Alexis sa kaniya ngunit hindi ito natinag. Sinimulan niya ang pagsugod dito kaya walang nagawa si Alexis. Nang si Taka na ang susugurin niya ay nahawakan nito ang braso niya sabay bahagyang pagpiga. "Ahh!" daing nito dahil sa sakit. Parang madudurog ang buto nito sa pagkakakapit ni Taka kahit na bahagya lamang iyon. Nag-aalalang lumapit si Alexis sa kaniya at inakay. Iniwan lamang sila ni Taka nang walang salita. "Dadalin na muna kita sa cabin mo, hayaan na muna natin mag-ensayo mag-isa si Taka," sabi ni Alexis. Wala nang nagawa si Pepper kung hindi ang pagmasdan ang likod ng kaniyang warrior habang naglalakad ito paalis. Nag-aalala na talaga siya sa inaasta nito. Ayaw niyang lamunin ng konklusyon na nasa utak niya dahil wala siyang proweba. Pagkarating sa cabin ay ginamot agad siya ni Alexis. Hindi naman ito napilayan pero nagkaro'n lang ng cramps kaya hindi muna pwede ma-stress. Pinahiga lang siya ni Alexis sa higaan niya at saka umalis. Hindi naman ito madalawan ng antok dahil halos kagigising lang din niya. Marami pa ring gumugulo sa utak niya kahit hindi na masyadong nahahalata sa mukha. Nag-aalala siya para sa mangyayari sa kaniya at sa iba pa! Nag-aalala siya kay Taka na baka mapahamak ito. Ngayon lang siya nakaramdam ng takot, 'yong tipong parang hinahalukay ang tiyan niya. Dahil sa matinding pag-aalala ay lumabas siya ng cabin at siniguradong tulog na ang iba. Hindi na siya nag-alinlangan na pumasok sa gubat at hinanap si Taka. Hawi siya nang hawi sa matataas na damo na nadaraanan niya. Hanggang sa makarating sa liblib na gawi nito at nakita si Taka, paulit-paulit na sinusuntok ang puno! "Taka!" tawag-pansin nito. Napatigil sa pagsuntok ang lalaki ngunit hindi niya nilingon si Pepper. Tumutulo na ang dugo nito sa kamao kaya agad na lumapit ang dalaga sa kaniya sabay yakap dito. "A-Ano 'ng ginagawa mo rito? Akala ko ba gagamutin ni Alexis ang sugat mo?" tanong ni Taka na may halong panginginig sa boses. "Tapos na niya akong gamutin. Ano ba 'ng ginagawa mo? Nagdudugo pa ang kamay mo!" sigaw nito sa binata. Hinila niya ito at pinaupo para lagyan ng tela ang sugat. Medyo tumigil ang pagdurugo nito kaya nakahinga nang maluwag si Pepper. "Oh, ano 'ng ginagawa mo rito? Binigyan ka na nga ng oras para makapagpahinga kahit na hindi pwede," sabi ni Taka. Nanatiling tahimik si Pepper at tumingin sa kawalan. "Gusto kitang tanungin, Taka. May alam ka ba tungkol sa pagkawala ng gem?" derektang tanong nito. Napatigil naman si Taka sa tanong niya. "Ano 'ng ibig mong sabihin? Pinagbibintangan mo ba 'ko?" tanong ni Taka. Napamaang si Pepper, hindi naman kasi iyon ang nais niyang iparating. Sadyang hindi siya sanay sa mga ganitong pag-uusap. Parang may kung anong kirot sa puso niya sa tuwing makikita niya itong malungkot. Parang konektado na silang dalawa sa isa't isa. Ganito ba kapag ipinapatawag na ang mga Celestial warriors o ang aming Pamilyar? "Hindi naman sa gano'n, napapansin ko kasing bago ang kinikilos mo. Hindi ikaw 'yong Taka na kilala ko," sabi ni Pepper. Ngumiti ang lalaki at nag-isip ng kung anong palusot. "Bakit? Ano ba 'ng tingin mo sa 'kin noong una?" tanong nito. Napaisip naman ang dalaga sa tanong. Ano nga ba ang tingin niya kay Taka? Isang Celestial Warrior! Ang nakatakda upang pangalagaan ang mga kinatawan. " 'Yong masayahin, gentleman at ang madaldal na Taka. 'Yong lagi akong hinahalikan sa likod ng palad, ang lalaking hindi nagsasawa na kausapin at asarin ako. At ang lalaking tanging nakakapagpasaya sa 'kin," sabi ni Pepper sabay tingin kay Taka. Nagulat din si Taka sa sinabi niya. Hindi naman niya naisip na ito pala ang tingin sa kaniya ng dalaga. Akala nito ay walang pakialam si Pepper sa kaniya dahil palagi na lamang siya nitong ini-snob. Napangiti siya at tinitigan ang nakangiti ring mukha ni Pepper. Kinuha niya ang palad nito at muling hinalikan. Napatitig ang dalaga sa ginawa ng binata. "Hindi naman ako nagbago, ako pa rin naman 'yong nakilala mong Taka," sabi nito. Nakaramdam ang dalaga ng kung anong humahalukay sa tiyan niya kaya nayakap niya ang binata! Naiiyak siya dahil akala niya ay tuluyan na itong nagbago dahil na rin sa inasta kanina. Niyakap siya pabalik ni Taka at inalo. Nasa ganoon silang posisyon nang biglang dumating sina Skip kasama ang Army na humahangos! Bakas rito ang takot dahil sa balita na hatid ni Mr. Sato sa kanila. "Kilala na raw nila kung sino ang kumuha ng gem! Taka, Pepper, tara na. Wala na tayong dapat oras na sayangin!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD