IMPOSIBLENG nakikini-kinita lang ni Tami ang lalaking kaharap dahil hindi iyon nawala sa harapan niya kahit ang kumurap siya. Nang makabawi sa kaniyang pagkabigla ay agad niyang isinara ang pinto na mabilis namang napigilan ni KG kaya hindi iyon halos lumapat pasara. “Is this how you treat your visitor?” ani KG mula sa labas ng pinto. Damn his voice. Kung bakit nagdulot iyon ng kakaibang kilabot sa himaymay ng kaniyang katawan. Bakit ganoon? At bakit sobrang apektado pa rin siya sa presensiya nito? Six years na. Akala ba niya, hindi na siya magiging apektado sa isang Kedric Gabrielle Ladjasali? Ngunit bakit ngayong nakita niya itong muli nang harap-harapan, nag-iba ang ihip ng hangin? Damn her heart for beating so fast. Huminga muna si Tami nang malalim at ikinundisyon ang sarili bago