Maaga siyang nag text kay Day na hindi muna siya makakapasok ngayong araw, pagka gising kase niya ng umaga iba na ang kaniyang pakiramdam. Pakiramdam niya tila sasabog ang kaniyang ulo sa sakit idagdag pa na tila lalagnatin. Ilang araw na kase siya na hindi nagkakatulog. Hindi niya maiwasang 'di mag isip about sa kanila ng nobyong si Jake, isama pa ang nais nitong lumipat siya ng matitirahan. Gusto 'man niyang pumasok ngayon sa trabaho, ngunit kung pipilitin 'man niya, baka lalo pang lumala. Kaya nag desisyon na lamang na 'wag magtrabaho baka kulang lang siya sa pahinga. Habang nakahiga siya sumagi na naman sa isipan ang huling binanggit ng nobyo 'nong bago sila maghiwalay nito. "Please Nica! Magsama na tayo?" may pangungulit sa boses nito. Hindi siya makapaniwalang isang Jake Fuen