Dinatnan ni Jake si Nica na mahimbing ang pagkakatulog sa kama niya.. Ipinatong niya sa upuan ang dalang paper bag at pagkain dalawa bago lumapit sa dalaga. Binilhan niya ito ng damit at underwear at pangtaas na saplot. Daig pa nila ang mag asawa dahil alam na niya ang sukat nito. Pinagmasdan niya ito ng mabuti bago umupo sa harapan nito. Gusto sana niyang umupo sana sa kama pero takot na baka magising ito, kaya umupo na lang siya sa sahig at pinag masdan ang mukha nito. Awtomatikong tumaas ang kamay niya at hinaplos ang mukha nito. Ang pisngi nito, pababa sa mapupulang labi nito. Kakaiba talaga ang dating ng dalaga sa kaniya. May init na nararamdaman siya dito at 'yun ay hindi niya maipaliwanag sa tuwing maghahalikan sila nito. Sa pakiramdam nga niya ay ayaw na niyang nawawalay ito