Pinagka katitigan ko ito habang hunakabang palayo sa akin. Hindi ko inaakalang seserrosohin nito ang biro ko, gayong sinakyan ko lang naman ang biro nito. "Ewan ko sa'yo Jake! Ang O. A mo masyado 'kang over acting." bulong ko matapos tumalikod ako at pinihit ang serendura ng pinto para isardo. Pina ikot ko ang mata bago dumulan sa kama ni Jake. Napaka simple ng loob ng kuwarto nito. May puting pintura ang loob nito at isang maliit na ikaw na nagtatanglaw sa loob nang kuwarto. Sa paligid naman nito ay may dalawang lampshade na at nakagitna ay kama. Meron din isang bintana, kung saan doon nagdadaan ang sariwang hangin, sa gilid nito may maliit na pinto na hindi siya nagkakamali ay banyo iyon. At ilang hakbang lamang ay may malaking cabinet itong nakadikit sa wall na yari sa mamahaling ka