Walang lubay kaka tunog ang selpon niya nang makahiga siya sa kama, sinadyang hindi niya iyon sinasagot dahilan alam niyang si Jake ang nasa kabilang linya. Sariwa pa sa kaniyang labi at at ala ala bago sila nagkahiwalay kanina. Bago siya maglakad papunta sa harapan nang inuupahan, ilang hakbang bago makarating sa pintuan hinalikan muli siya nito sa labi at walang alinlangan na tinanggap niya iyon. Baliw na talaga siya! Mabilis din siyang bumitiw noong matauhan. Ano kayang magiging problema o mangyayare ngayong sinagot ko na ang lalaking 'yun? Wala siyang lahing makalimot para kalimutan ang mga napag kwentuhan nila ni Gaby. Gusto ko ng matulog dahil mag a' alas dose na ng gabi pero gising na gising pa rin ang kanyang diwa at dilat na dilat pa ang kaniyang dalawang mata. Hindi kas