VII. “KUMUSTA ANG UNANG gabi ninyo ni Ice, hijah?” tanong ni Ivy. Makikita sa mukha nito ang labis na saya. Nasa sala sina Kirsten at Ivy at masayang nag-uusap.Kasalukuyan namang nakasakay si Kirsten sa isang itim na wheelchair. Kahit ayaw niya ang ginagawa ay kailangan niyang panindigan ang pagsisinungaling sa harapan ng pamilya ni Ice. Para talaga sa kaniya, wala naman sigurong napipilayan sa unang pagtatalik. Sa minalas-malas lang ay ubod ng yabang ang napapangasawa niya at gusto palaging pinupuri kaya humantong siya sa ganoon. Napangiti si Kirsten. “Ito po, Mom, napinsala ng anak ninyo. Ganoon pala talaga iyong una? I did not expect it.” “Sa atin-atin lang ito. Si Dad, ang ama ni Sid, XL daw iyon. Nasa genes na ng mga Miranda. Kaya lahat ng mga anak nito, minana. Masuwerte ako na